2 Fil-foreign athletes pasok sa World Jrs. Athletics C’ships
MANILA, Philippines - Sumulat ng kasaysayan sina Fil-foreigners Kayla Richardson at Zion Corrales Nelson matapos ma-ging unang atleta na may dugong Pinoy na nakakuha ng tiket para sa World Juniors Athletics Championship na nakatakda sa Hulyo 22-27 sa Eugene, Oregon sa United States.
Makakapaglaro sa naturang torneo ang 15-anyos na Fil-Am na si Richardson sa 100 at 200 meters nang magsumite ng bilis na 11.78 at 24.03 segundo, ayon sa pagkakasunod, sa United States.
Ang 15-anyos ding Fil-Canadian na si Nelson ay nagposte ng tiyempong 24.35 at 54.18 segundo sa finals ng British Columbia High School Track and Field Championship sa Langley para makalahok sa 200m at 400m events ng World Juniors Athletics.
“We have two athletes qualified for World Juniors, Kyla Richardson and Zion Corrales Nelson,†sabi ni Phl-based Fil-Brit Andrew Pirie, isang athletics consultant ng Phl Sports Commission.
Dalawang beses binasag ni Nelson ang national 400m record sa loob ng isang linggo.
Bago ito ay naorasan ang 5-7 na si Nelson ng 54.64 segundo sa heats sa Langley para burahin ang national mark na 54.65 segundo na unang itinala ni Jenny Rosales sa UAAP noong 2013 at ang 33-year-old junior record na 54.75 seconds ni Asia’s track queen Lydia de Vega-Mercado.
Ang kanyang 54.18 segundo sa finals ang nagbigay sa kanya ng gold medal.
- Latest