...pero may 2 boxers pa ang maghahamon
MANILA, Philippines - Marami na ngayon ang gustong kalabanin si Nonito Donaire Jr.
Dalawang featherweight champions na lumaban din sa Cotai Arena sa Macau noong Sabado ang nagsabing nais nilang kalabanin si Donaire.
Parehong sinabi nina Evgeny Gradovich, isang Russian-Mexican at Nicolas Walters, isang Jamaican na target nila si Donaire.
“Yeah, yeah,†sabi ni Gradovich habang hinahatak ang kanyang maleta palabas ng Holiday Inn Hotel noong Linggo ng hapon.
Napabagsak si Gradovich ni Alexander Miskirtchian ng Belgium ngunit nakarekober siya para mapanatili ang IBF featherweight crown.
Sinabi naman ni Walters habang nagtse-checked out sa kanyang hotel na handa niyang harapin si Donaire kahit saan at kahit kailan.
“Absolutely. Yes,†sabi ni Walters, may hawak ng regular WBA featherweight crown na tumalo kay Vic Darchinyan para mapanatili ang titulo. “Anytime. Anytime they make the fight,†sabi pa niya.
Hindi rin naman umaatras si Donaire.
“I want to fight for all the title and fight all the guys in the featherweight class,†aniya.
Nasugatan si Donaire sa kaliwang mata sa first round bago pinabagsak si Simpiwe Vetyeka sa fourth para makahugot ng technical unanimous decision at makopo ang WBA featherweight crown.
Bago pa matapos ang gabi, inalok na ni Donaire ang natanggalan niya ng koronang champion mula sa South Africa ng rematch na maaaring mangyari sa November.
“I promised to give him a rematch,†ani Donaire na kinokonsidera ang posibilidad ng paglaban sa undercard ni Manny Pacquiao sa Macau sa Nov. 23.
- Latest