^

PM Sports

Donaire handang labanan uli si Vetyeka

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa ang bagong world featherweight champion na si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na bigyan ng rematch si Simpiwe Vetyeka.

Ito ang pahayag kahapon ni Donaire isang araw matapos dumating sa bansa mula sa Macau, China kung saan niya inagawan si Vetyeka ng suot nitong World Boxing Association (WBA) featherweight crown.

“I’ll give him a rematch. I was winning the fight naman eh,” sabi ng 31-anyos na si Donaire, nauna nang kampeon sa flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions.

Inihinto ng referee ang naturang laban bago magsimula ang fifth round dahil sa patuloy na pagdugo ng putok sa kaliwang mata ni Donaire na nagresulta sa kanyang unanimous technical decision win kay Vetyeka.

Ayon kay Donaire, gumamit ng ‘dirty tactics’ ang South African fighter sa kanilang laban.

“I guess style lang niya ‘yun na kapag sumusuntok siya, dala ‘yung ulo,” wika ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire kay Vetyeka.

“Nakikita ko talaga na may elbow. Pagkatapos niya sumuntok, ang defense niya ay elbow.”

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Donaire, may 33-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 21 knockouts, matapos matalo kay Cuban Guillermo Rigondeaux noong Abril ng nakaraang taon.

Noong Nobyembre ay muli niyang pinatumba si Armenian southpaw Vic Darchinyan sa kanilang rematch.

Wala pang pormal na pahayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions kung sino ang susunod na lalabanan ni Donaire.

 

vuukle comment

BOB ARUM

CUBAN GUILLERMO RIGONDEAUX

DONAIRE

FILIPINO FLASH

NOONG NOBYEMBRE

SIMPIWE VETYEKA

SOUTH AFRICAN

VETYEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with