Sinibak ang Indiana sa East: Miami pasok sa NBA Finals
MIAMI -- Sa kabuuan ng regular season, hinamon ng Indiana Pacers ang pagiging superyor ng Miami Heat sa Eastern ConÂference.
At dinala ito ng Pacers sa playoffs.
Sinagot naman ito ng Heat mula sa isang dominanteng panalo.
Umiskor sina LeBron James at Chris Bosh ng tig-25 points at pinatalsik ng Miami ang Indiana sa ikatlong sunod na taon sa pamamagitan ng 117-92 panalo sa Game 6 ng kanilang East championship series.
“I’m blessed. Very blessed. Very humbled,’’ saÂbi ni James. “And we won’t take this opportunity for granted. It’s an unÂbelievable franchise, it’s an unbelievable group. And we know we still have work to do, but we won’t take this for granÂted. We’re going to four straight Finals and we will never take this for granÂted.’’
Nagdagdag naman siÂna Dwyane Wade at RaÂshard Lewis ng tig-13 points para sa Heat, nakaÂpasok sa kanilang pangatÂlong sunod na NBA Finals appearance.
Itinala ng Miami ang isang franchise record sa kanilang ika-11 sunod na home postseason win.
Mula sa 2-9 pagkakaÂiwan sa Pacers sa first peÂÂriod ay kumamada ang Heat kung saan sila nakaÂpagtayo ng 37-point lead.
Ang layup ni James sa 3:39 minuto sa third period ang nagbigay sa Miami ng 86-49 kalamangan.
Binanderahan ni Paul George ang Pacers sa kanyang 29 points kasunod ang 16 ni David West.
- Latest