Ika-3 sunod na panalo tangka ng San Mig
MANILA, Philippines - Hangad ng nagdedepensang Mixers ang kanilang ikatlong panalo, habang ipaparada naman ng Batang Pier si balik-import Dior Lowhorn.
Lalabanan ng San Mig Coffee ang Globalport ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska at Air21 sa alas-5:45 ng hapon sa 2014 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nagmula ang Mixers sa 108-90 paggiba sa Meralco Bolts noong Martes kung saan tumapos si PJ Simon na may 22 points, samantalang kumolekta si import Marqus Blakely ng 16 markers at 18 rebounds.
“At this point, we got a lot of maturity, and that kind of stuff should just roll of us because we are focused on just winning. That’s what we want to be. We just want to think about winning and take the win and none of the other stuff,†sabi ni San Mig Coffee head coach Tim Cone.
Ipaparada naman ng Batang Pier ni rookie mentor Pido Jarencio si Lowhorn, ang dating Ginebra Gin Kings’ reinforcement, bilang kapalit ni Leroy Hickerson.
Nanggaling ang Globalport sa 97-119 pag-yukod sa Rain or Shine noong Mayo 25.
Sa unang laro, puntirya naman ng Aces ni rookie coach Alex Compton ang kanilang ikalawang sunod na ratsada sa pagharap sa Express.
Umiskor ang Alaska ng malaking 103-91 tagumpay kontra sa Talk ‘N Text para sa unang laro ng American na si Compton bilang kapalit ni Luigi Trillo noong Lunes.
“We have a system in place – a system that has won so many championships. I think we just have to get better,†wika ni Compton sa ginagamit na ‘Triangle Offense’ ng Alaska.
- Latest