Trainer ni Marquez ayaw din kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Kagaya ng kanyang chief trainer, ayaw din ni promoter Fernando Beltran ng Zanfer Promotions na maitakda ang pang-limang banggaan nina Juan Ma-nuel Marquez at Manny Pacquiao.
Sa panayam ng BoxingScene.com, sinabi ni Beristain na sapat na ang apat na beses na paghaharap ng 40-anyos na si Marquez at ng 35-anyos na si Pacquiao.
“I hate that fight. I do not like the promotion that they are giving a fiifth fight against Pacquiao,†wika ni Beltran. “They already fought 44 rounds. I think it’s already enough and let’s leave Juan’s victory over Pacquiao intact. It was historic, and let’s not spoil something that happened.â€
Pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012.
Ito ang gustong ipaghiganti ng Sarangani Congressman sakaling maplantsa ang kanilang ika-limang pagtatagpo ni Marquez sa Nobyembre sa Macau, China.
Binawian ni Pacquiao si Timothy Bradley, Jr. para makuha ang World Boxing Organization (WBO) title sa kanilang rematch, habang tinalo ni Marquez si Mike Alvarado sa kanilang title eliminator.
Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na pipilitin niyang maitakda ang Pacquiao-Marquez V.
Ngunit ito ay kaagad na kinontra ni chief trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain na kinampihan ni Beltran.
“There are many possible fights,†sabi ni Beltran kay Marquez. “Next week we are going to sit down with Juan Manuel.†(RCadayona)
- Latest