Diaz iiwan na ang weightlifting?
MANILA, Philippines - Kabiguan na mahigitan ang personal best ang nagtutulak kay two-time Olympian sa weightlifting Hidilyn Diaz para mamaalam na sa sport na sinilbihan sa loob ng sampung taon.
Naipakita uli ng 23-anyos na si Diaz na siya pa rin ang pinakamalakas kung sa women’s 58-kilograms ang pag-uusapan nang dominahin niya ang kompetisyon sa 2014 Philippine National Games (PNG) sa nairehistrong 95-kgs. sa snatch at 120-kgs. sa clean and jerk tungo sa 215-kgs. total.
Malayo ito sa marka ng pumangalawang si Margaret Colonia na mayroon lamang buhat na 63-kgs. at 80-kgs. tungo sa 143-kgs. total pero ang naitala ng tubong Zamboanga City ay mas mababa sa ginawa sa SEA Games sa Myanmar.
Nanalo si Diaz ng pilak sa Myanmar SEAG sa naitalang 102 kgs sa snatch at 122 kgs sa clean and jerk para sa 224kgs total lift.
“Ang goal ko ngayon ay 104 sa snatch at 128 sa clean and jerk at alam kong kaya ko pero nawala na ang determination ko at passion sa laro,†wika ni Diaz na naglaro sa Beijing ang London Olympics.
Tinuran niya na ang mga pagbabatikos na inabot sa mga kasamahan sa Philippine Weightlifting Association ang dahilan upang tabangan sa paglalaro.
- Latest