^

PM Sports

Ano ang magiging desisyon ni Marquez?

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Noong nakaraang taon ay tinanggihan ni Juan Manuel Marquez ang pang-limang paghaharap nila ni Manny Pacquiao at sa halip ay hinamon si dating world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr.

Tinalo siya ni Bradley at hindi niya naagaw sa American ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

Binawian naman ni Pacquiao si Bradley para muling isuot ang WBO title sa kanilang rematch noong Abril 12, habang binigo ni Marquez si Mike Alvarado sa kanilang title eliminator noong Abril 18.

Kung mayroon mang mabigat na desisyon na gagawin ang 40-anyos na si Marquez, ito ay kung hahamunin ang 35-anyos na si Pacquiao para sa hawak nitong WBO belt.

“There are things I have to see, to make a decision on what’s going to happen in the future,” sabi ni Marquez, hangad maging kauna-unahang Mexican fighter na nagkampeon sa limang magkakaibang weight divisions.

Kamakailan ay sinabi ni Mexican trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain na ayaw niyang maplantsa ang Pacquiao-Marquez V na gustong itakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa Nobyembre sa Macu, China.

Inamin ni Beristain na nagkausap na sila ni Marquez tungkol dito.

“We’ve talked but he still insists on a fifth title,” ani Beristain kay Marquez. “I think he has every right in the world to try to be the first Mexican to win five titles.”

“It would be a terrible, hard, very difficult fight because Manny will go for everything, for the revenge. I would like them not to fight,” sabi pa ni Beristain.

Pinabagsak ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Disyembre 2012.

Kung hindi maitatakda ang Pacquiao-Marquez V ay si Ruslan Provodnikov, ang WBO light welterweight king, ang maaaring makaharap ni ‘Pacman’ sa Nobyembre.

ABRIL

BERISTAIN

BOB ARUM

BRADLEY

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

PACQUIAO-MARQUEZ V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with