Donaire sumailalim sa VADA test
MANILA, Philippines - Sumailalim si three-time world boxing champion Nonito Donaire, Jr. sa pagsusuri ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA) sa pamumuno ni phlebotomist Jennifer Hunter na nagmula sa Newport Beach, California.
Pinangunahan ni Hunter ang pagkuha kay Donaire ng kanyang ihi at dugo sa isang random visit.
Ang 31-anyos na si Donaire ay isa lamang sa dalawang professional boxers na sumasailalim sa VADA 24/7/365 random testing.
Ang isa pa ay si Dominican Republic super middleweight contender Edwin (La Bomba) Rodriguez.
“To my knowledge, Nonito and Edwin are the only professional boxers who submit themselves to random testing all year round,†sabi ng 33-anyos na si Hunter, isang California State at Fullerton graduate na kawani ng Danish company Clearidium na kinontrata ng VADA para magdaos ng anti-doping tests.
“Others are tested on a fight-to-fight basis. Before Manny Pacquiao fought Brandon Rios, I did tests on Rios in California. My first visit to the Philippines was when I tested Amir Khan at his training camp in Baguio a few years ago. I’ve extracted blood from athletes in cycling, gymnastics, equestrian, mixed martial arts and motocross. Clearidium is contracted to do tests for athletes who are required to undergo examination, meaning athletes outside of the VADA program,†ani Hunter.
Ang VADA ay itinayo ni Dr. Margaret Goodman bilang behikulo para linisin ang boxing at mixed martial arts.
Si Dr. Goodman ay ang dating chief ringside physician at pinuno ng Medical Advisory Board ng Nevada State Athletic Commission.
Suportado naman ni Donaire ang voluntary anti-doping tests sa gitna ng mga suspensyon na gumagamit ang ilang boksingero ng performance-enhancing-drugs.
- Latest