Lumabas ang galing ng Dome of Peace
MANILA, Philippines - Nailabas din ng kabaÂyong Dome Of Peace ang galing nito matapos panguÂnahan ang class division-1A na ginawa noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Bryan Leiro Yamzon ang siyang sumakay sa kabayo sa ikatlong sunod na pagkakataon at tumodo ang Dome Of Peace pagsapit sa huling 100-metro para iwanan ang naunang Akire OniÂleva tungo sa dalawang dipang panalo.
Ang Elusive Cat at Akire Onileva ang naunang nagdala ng laban habang tumutok sa ikatlong puwesto ang Dome Of Peace hanggang sa far turn ng karera.
Dito ay kinuha na ng Akire Onileva ang unahan habang nasa ikalawa na ang nagdominang kabayo.
Hinintay lamang ni Yamzon ang tamang pagkakataon para bitiwan ang kabayo tungo sa magandang panalo.
Nakabawi ang hinete mula sa pang-11th puwesto pagtatapos noong Mayo 10 habang naunsiyami ang pakay na ikalawang sunod na tagumpay ng pumangaÂlawang kabayo na dala ni JV Ponce.
Ang Mr. Tatler na hawak ni JB Cordova at siyang paborito matapos ang pangalawa at unang puwestong pagtatapos noong Mayo 6 at 10, ay wala sa kondisyon at tumapos lamang sa ikapitong puwesto.
Pinakadehadong kabayo na nanalo ang Dome Of Peace para makapaghatid ng P335.50 sa win habang ang 9-4 forecast ay may P1,611.50 dibidendo.
Ginamit ni RV PobÂlacion ang outer lane para makaiwas ang Renzie Stays sa pulutong ng kabayo na nasa unahan tungo sa magarang panalo sa Handicap Race-1A na inilagay sa 1,200-metro karera.
Limang kabayo ang nagbabakbakan sa unahan papasok sa far turn nang hindi napansin ang nasa labas na Renzie Stays.
Sa rekta ay nakauna na ito at dahil libre ang daanan at kinargahan pa ni Poblacion ang kabayo tungo sa halos tatlong dipang panalo sa Sharp Cookie ni AM Basilio.
Ang Salvatore na hawak ni Guce at siyang paborito sa karera ay pumanglima lang sa hanay ng walong kabayo na nagÂlaban.
Umabot pa sa P52.50 ang win habang ang 6-7 forecast ay mayroong P248.00 na ipinamahagi.
Napagtagumpayan ng Kristal’s Beauty nang masungkit ang ikalawang dikit na panalo at pangatlo sa huling apat na takbo.
Si Cordova ang dumiskarte pa rin sa nanalong kabayo habang ang PanaÂmao King ang nasegundo sa 1,300-metro karera.
Pinakaliyamado na nanalo ang Kristal’s Beauty sa ibinigay na P8.50 sa win habang ang 7-6 forecast ay mayroong P21.50 dibidendo. (AT)
- Latest