Striegl panlaban sa wrestling
MANILA, Philippines - Maaaring may matikas na panlaban ang Pilipinas sa larangan ng wrestling sa hinaharap.
Ang 26-anyos na si Mark Striegl na naglalaro rin sa Pacific X-Treme Combat (PXC) ay sumali sa freestyle wrestling sa 2014 Philippine National Games na ginagawa sa Riverbanks Center sa Marikina City at nanalo siya ng gintong medalya.
Sa minus 70-kg division sumalang si Striegl at tinalo niya sa finals si Jefferson Manatad ng Quezon City.
“Happy to win the gold at the Philippine National Games,†wika ni Striegl na naghayag din ng kagustuhan na maging kasapi ng national team sa hinaharap.
Naglalaro para sa delegasyon ng Baguio, si Striegl ay may 10-0 karta sa larangan ng MMA. Sumali siya sa PXC noong 2012 at naipanalo ang naunang dalawang laban. Pero natalo siya kay Jang Yong Kim noong Setyembre 14, 2013 at hindi pa siya bumabalik sa aksyon matapos ito.
Natapos na rin ang aksyon sa Greco Roman at na-nguna sa mga nanalo ang mga beteranong sina Margarito Angana at Jayson Balabal sa 59kgs at 85kgs.
Samantala, lumabas bilang produktibong manla-laro kahapon si 2010 Youth Olympic Games veteran Hannah Dato nang maipanalo ang tatlong events sa pool competition sa Rizal Memorial Sports Complex.
Kampeon si Dato sa girls 15-&-over sa 200m free sa oras na 2:09.90, 50m butterfly sa 29.63 seconds at 400m individual medley sa 5:09.49. (AT)
- Latest