Castro nagbida sa panalo ng TNT
MANILA, Philippines - Hindi siya import pero nakaya ni guard Jayson Castro na akayin ang Tropang Texters sa panalo.
Humugot si Castro ng 10 points sa huling dalawang minuto ng fourth quarter para banderahan ang 105-99 panalo ng Talk ‘N Text kontra sa Meralco sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Castro na may 21 points sa ilalim ng 38 ni import Othyus Jeffers at 22 ni Ranidel De Ocampo.
“Our import had only three practices with us because of the (Commissioner’s Cup) Finals,†ani coach Norman Black kay Jeffers, ang 2014 NBA D-League co-MVP na naglaro sa NBA para sa Minnesota Timberwolves at San Antonio Spurs. “I hope to get him better and blended into the team.â€
Sa likod ni forward Cliff Hodge, ipinoste ng Bolts ang 97-92 abante sa huling 2:23 minuto ng laro.
Iniskor ni Castro ang 10 sa huling 13 points ng Tropang Texters papasok sa hu-ling dalawang minuto ng laro para iwanan ang Bolts, nakamit ang kanilang pangalawang dikit na kamalasan, sa 104-99 sa natitirang 1.9 segundo.
Sinelyuhan ni Larry Fonacier ang panalo ng Talk ‘N Text mula sa kanyang technical free throw.
TALK N’ TEXT 105 - Jeffers 38, De Ocampo 22, Castro 21, Carey 7, Fonacier 6, Williams 4, Alapag 3, Seigle 2, Canaleta 2, Reyes Ryan 0, Reyes Rob 0, Baclao 0.
Meralco 99 - Hodge 24, Williams 20, David 15, Hugnatan 12, Dillinger 12, Salvacion 6, Ildefonso 4, Bringas 2, Sena 2, Wilson 2, Timberlake 0.
Quarterscores: 26-19, 50-43, 75-72,105-99.
- Latest