^

PM Sports

NBA idinemanda na si sterling

Pang-masa

NEW YORK -- Idinemanda na ng NBA si Donald Sterling dahil sa pagwasak sa liga at mga koponan nito mula sa kanyang racist comments.

Nakatakdang dinggin ang demanda kay Sterling sa Hunyo 3 kung saan maaaring pagbotohan ng mga team owners ang pagpapatalsik kay Sterling bilang may-ari ng Los Angeles Clippers.

Sinabi pa ng NBA na lumabag din ang banned owner sa ibang gawain na nakasira sa relasyon ng liga sa mga fans at mga merchandising partners.

“All of these acts provide grounds for termination under several provisions of the NBA constitution and related agreements,’’ wika ng NBA sa isang statement.

Pinatawan si Sterling ng lifetime ban at pinagmulta ng $2.5 milyon ni Commissioner Adam Silver matapos mailabas ang recording kung saan nagsalita siya ng racist remarks.

May hanggang Mayo 27 pa si Sterling para sagutin ang demanda sa kanya pati na ang pagdalo niya sa hea-ring at gumawa ng presentasyon sa board of governors.

Mayroon siyang karapatang kumuha ng abogado para sa hearing, ngunit hindi gagamitin ang istriktong courtroom rules of evidence.

Humiling ang abogado ni Sterling na si Maxwell Bleche ng isang three-month delay bilang sagot sa demanda. Ngunit hindi ito pagbibigyan ng NBA, ayon sa isang source ng The Associated Press.

Si Minnesota Timberwolves owner Glen Taylor, ang board chairman, ang mangunguna sa pagdinig sa New York na planong itakda ng dalawang araw bago ang NBA Finals.

Kung ang three-fourths ng iba pang 29 owners ay boboto para mapanatili ang demanda ay mapupu-wersa si Sterling na ibenta ang Clippers na una niyang pinamahalaan noong 1981.

ASSOCIATED PRESS

COMMISSIONER ADAM SILVER

DONALD STERLING

GLEN TAYLOR

HUMILING

LOS ANGELES CLIPPERS

MAXWELL BLECHE

NEW YORK

SI MINNESOTA TIMBERWOLVES

STERLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with