^

PM Sports

Malaking tagumpay para kay So

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaagad pumayag si Wesley So sa isang mabilis na 12-move draw kay 2013 winner Zoltan Almasi ng Hungary para pormal na angkinin ang korona ng Capablanca Memorial 2014 kahapon sa Habana Riviera sa La Havana, Cuba.

Ito ang pinakamalaking panalo ng 20-anyos na si So kung saan siya nakahugot ng 13.4 rating points na mag-aangat sa kanyang ELO rating sa 2744.4 sa susunod na buwan.

Tinapos ni So ang torneo na may 6.5 points mula sa tatlong panalo niya kina Spaniard Francisco Vallejo Pons, Almasi at top seed at world No. 10 Leinier Dominguez Perez ng Cuba at pitong draws.

Nakipag-draw si Cuban Lazaro Bruzon Batista kay Dominguez para sa ikalawa at ikatlong puwesto bitbit ang 5.5 at 5.0 points, ayon sa pagkakasunod.

 

ALMASI

CAPABLANCA MEMORIAL

CUBAN LAZARO BRUZON BATISTA

DOMINGUEZ

HABANA RIVIERA

LA HAVANA

LEINIER DOMINGUEZ PEREZ

SPANIARD FRANCISCO VALLEJO PONS

WESLEY SO

ZOLTAN ALMASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with