^

PM Sports

Pacheco namayagpag uli

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinigitan ni Bryan Pacheco ang marka na naunang naitala sa Palarong Pambansa para maipakita na siya na ang papasibol na atleta sa javelin throw sa pagpapatuloy ng 2014 Philippine National Games athletics competition sa Philsports Track Oval sa Pasig City.

Tumapos si Pacheco ng 62.91-metro para pataubin ang hamon nina Joshua Patalud (57.81m) ng La Salle-Dasmariñas at Rejohn Cliff Gadian (52.85m) ng FEU sa junior men division.

Kinakatawan  ang FEU na kung saan siya ay magkokolehiyo, ang marka ni Pacheco ay higit sa 62.47m Palarong Pambansa record na ginawa sa Laguna kamakailan.

Bukod sa javelin si Pacheco ay nanalo rin ng bagong record sa discus throw sa Palaro.

Nagpatuloy din ang pangunguna ng mga national athletes sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at may suporta ng Summit Natural Drinking Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Milo, Standard Insurance at SM Marikina.

Sinamahan nina Narcisa Atienza at Arniel Ferrera si Rosie Villarito na nakadalawang ginto.

Nanaig si Atienza sa senior women 100m hurdles sa 15.16 segundo para isunod  sa gintong napagwagian sa paboritong high jump.

Matapos pagharian ang hammer throw, nangibabaw pa si Ferrera sa discus throw sa  40.39m marka.

 

ARNIEL FERRERA

BRYAN PACHECO

DRINKING WATER

FOREVER RICH PHILIPPINES

JOSHUA PATALUD

LA SALLE-DASMARI

NARCISA ATIENZA

PACHECO

PALARONG PAMBANSA

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with