^

PM Sports

AFC Asian Cup target ng Azkals sa AFC Challenge

Pang-masa

Male, Maldives – Umaasa ang Philippine Azkals na makakalaro sila sa 2015 AFC Asian Cup sa Sydney sa pamamagitan ng paghahari sa 2014 AFC Challenge Cup dito.

Subalit bago panga-rapin ng Azkals na labanan ang title holder na Japan, dating kampeong Iraq at Gulf power Jordan sa 2015 Asian Cup ay dapat muna silang magkampeon sa AFC Challenge Cup.

Nakatakdang simulan ng Pinoy booters ang kanilang kampanya sa nasabing kompetisyon sa  pagharap sa Afghanistan.

Sasagupain ng Azkals ang Lions sa four-team Group B ngayong gabi sa Hithadhoo Stadium sa Addu City.

Susunod na lalabanan naman ng Azkals ang 174th-ranked Laos sa Huwebes na anim na beses silang tinalo.

Tatapusin ng Azkals ang eliminasyon sa pagharap sa 156th-ranked Turkmenistan.

Kumpiyansa si ace striker Phil Younghusband sa tsansa ng Azkals sa torneo.

“I think we have a stronger team this time,” wika ni Younghusband. “I

think teams will do their homework on us and we have a new coach and a lot of new things. And teams will be more careful with us than in 2012.”

Nagsimula na kahapon ang labanan sa Group A tampok ang laro ng Palestine at Kyrgyzstan at ang host Maldives laban sa Myanmar.

Ito ang huling pagtatanghal ng torneo bilang  Asian Football Confe-deration (AFC).

Binigo ng AFC structure at pinagsanib ang qualification process para sa future  Asian Cups gayundin ang Continental qualifiers para sa World Cup.

Sa susunod ay kaila-ngang lumaban ang Azkals para sa Asian Cup ticket.

“Maybe this will make it more difficult for us to qualify in the future and that is why we see this year’s Challenge Cup as an amazing opportunity for us to join the biggest tournament in our region,” sabi ni Azkals skipper Rob Gier.

ADDU CITY

ASIAN CUP

ASIAN CUPS

ASIAN FOOTBALL CONFE

AZKALS

CHALLENGE CUP

CUP

GROUP A

GROUP B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with