^

PM Sports

Kung ayaw ni marquez si Provodnikov na lang

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lamang si Juan Manuel Marquez ang maaa-ring labanan ni Filipino world welterweight champion Manny Pacquiao sa Nobyembre.

Sakaling tanggihan ni Marquez ang kanilang pang-limang paghaharap ni Pacquiao ay maaaring kunin ng Top Rank Promotions si world light welterweight titlist Ruslan Provodnikov para sagupain si ‘Pacman.’

“Provodnikov would be a good option,” wika ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa tinaguriang ‘Serbian Rocky’ na kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) light welterweight king.

Para matuloy ang posibleng Pacquiao-Provodnikov fight sa Nobyembre sa Macau, China ay kailangang talunin ni Provodnikov si Chris Algiere sa Hunyo 14 sa Barclays Center sa Brooklyn.

Nauna nang tinanggihan ni Provodnikov na labanan si Pacquiao noong Abril dahil nagsasanay sila sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.

Hindi rin ito tinanggap ng 35-anyos na Sarangani Congressman at sa halip ay kinagat ang rematch kay Timothy Bradley, Jr. na kanyang tinalo via unanimous decision para mabawi ang WBO welterweight title.

Sinabi ni Roach na maaaring tanggapin ni Provodnikov ang alok ni Arum na sagupain si Pacquiao sa Nobyembre.

“It’s a lot of money. I won’t blame him if he takes it, it would set him up for the rest of his life. It could be possible. Never say never,” wika ni Roach kay Provodnikov na naging sparmate ni Pacquiao sa paghahanda sa una nilang paghaharap ni Bradley noong Hunyo 9, 2012.

Matapos talunin si Mike Alvarado sa kanilang title eliminator noong Linggo ay sinabi ni Marquez na wala pa siyang desisyon kung muling lalabanan si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon.

 

BARCLAYS CENTER

BOB ARUM

CHRIS ALGIERE

FREDDIE ROACH

HUNYO

JUAN MANUEL MARQUEZ

NOBYEMBRE

PACQUIAO

PROVODNIKOV

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with