NU, FEU mag-uunahan sa 1-0 lead
MANILA, Philippines - Parehong may malaÂlaÂkas na attackers ang NaÂtional University at ang Far Eastern University.
Kaya para manalo sa best-of-three championship series sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ay dapat kakitaan ang dalawang koÂponan ng matibay na deÂpensa.
“Solid ang FEU kung attacks ang pag-uusapan kaya kailangang maÂging matibay ang depensa naÂmin,†wika ni Lady Bulldogs’ coach Ariel dela Cruz, hanap na madepensahan ang titulong hawak sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang Game One ay itiÂnakda sa ikalawang laro ngayong alas-4 ng hapon at ang Lady Tamaraws ay aasa rin sa magandang floor defense para maÂipagpatuloy ang paggawa ng kasaysayan sa ligang may ayuda ng Mikasa, AcÂcel at Lion Tiger MosÂquiÂto Coil.
“Kailangang paghandaan ang lahat ng dapat pagÂhandaan lalo na ang magÂkapatid na Dindin at Jaja Santiago na talagang nagdadala sa kanilang koÂponan,†ani FEU coach Shaq Delos Santos.
Ito ang unang pagkaÂkataon na nasa Finals ang Lady Tamaraws at ibiÂnabandera sila ng mahuÂhusay na guest players na sina Rachelle Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga.
Ang naibibigay na tiÂbay ay nakakahawa sa ibang inaasahan tulad niÂna Bernadette Pons, Mary Remy Palma, Genevieve Casugod, Yna Papa at libero Christine Agno.
Bukod naman sa magÂkapatid na Santiago, sina Carmin Aganon at Myla Pablo ay aasahan sa pag-atake, habang ang setting ay ipagkakatiwala sa beteranang si Ruby De Leon katuwang si Jen ReÂyes.
Susi para sa Lady BullÂdogs ang ipakikita ni Rizza Mandapat na diamante sa bench ng NU daÂhil siya ang pumalit sa puwestong iniwan ni Aiko Urdas na nagkaroon ng left knee injury.
Unang magpapang-abot ang UST Tigresses at Adamson Lady Falcons para sa battle-for-third place na inilagay din sa best-of-three series.
- Latest