Mga sangkot sa gulo paparada ngayon
MANILA, Philippines - Itatampok sa pagbubukas ng 2014 PBA Governor’s Cup ang mga nasangkot sa rambulan sa tune-up games.
Ipaparada ng Alaska sina import Bill Walker at Gabby Espinas sa kanilang pagsagupa sa San Miguel Beer ngayong alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sina Walker at Espinas ay pinatawan ng multang P20,000 at P5,000, ayon sa pagkakasunod, dahil sa pagkakasangkot nila sa gulo sa kanilang tune-up game ng Meralco.
Multang P20,000 din ang ipinataw kay 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng San Miguel Beer dahil sa pananapok sa batok ni Jondan Salvador ng Globalport sa kanilang practice game.
Itatapat ng San Miguel Beer kay Walker si import Reggie Williams at muling aasa kina Santos, 6-foot-10 June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Sol Mercado at Chris Lutz.
Sa unang laro sa alas-3 ng hapon ay matutunghayan ang tunay na galing ni NBA veteran Terrence Williams ng Meralco sa pagsagupa sa Barako Bull, sasandig kay Eric Wise na anak ni dating PBA reinforcement Francois Wise.
Sa 110-103 panalo ng Bolts laban sa Aces sa kaÂnilang tune-up game ay kumonekta si Williams ng 10 three-point shots para tumapos na may 37 points.
Ang 210-pound na si Williams ay naglista ng mga career averages na 7.1 points, 3.6 rebounds at 2.4 assists sa 153 laro at apat na seasons niya sa NBA.
Naglaro si Williams sa NBA para sa New Jersey Nets (ngayon ay Brooklyn Nets), Houston Rockets, SacÂramento King at Boston Celtics.
Sa nakaraang season ng NBA D-League ay kinilaÂla si Williams, ang No. 11 overall pick ng Nets noÂong 2009, bilang Player of the Month para sa Los AnÂgeles D-Fenders, ang farm league ng LA Lakers.
Nagposte siya ng mga averages na 21.5 points, 6.1 assists at 4.8 rebounds para sa L.A. D-Fenders.
Samantala, sa Mayo 21 sisimulan ng San Mig Coffee, naghari sa 2014 PBA Philippine Cup at sa katatapos na Commissioner's Cup, ang pagtatanggol nila sa Governor’s Cup laban sa Barako Bull.
- Latest