^

PM Sports

Macho Machine naka-2 sunod

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinulsa ng Macho Machine ang ikalawang sunod na panalo para sa Prince Popeye na lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nanalo noong Huwebes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Fernando Raquel Jr. ang hinete ng Macho Machine na nakuha ang ikalawang sunod na panalo sa pagsali sa 3YO Maiden A race sa 1,200-metro distansya.

Sinundan lamang ng Black Fury na dinis­kartehan ngayon ni Rodeo Fernandez mula simula hanggang sa likuran bago kinargahan ni Raquel ang kabayo tungo sa halos anim na dipang panalo sa Black Fury.

Ang pangalawang puwestong pagtatapos ng Black Fury ay nagba­ngon sa kabayo mula sa pang-sampung puwesto noong Mayo 10 sa pagrenda ni RR Camañero.

Nadehado ang Black Fury upang ang 7-6 forecast ay naghatid ng P30.00 habang ang win ay nasa P5.50 dibidendo.

Si Jessie Guce ang patuloy na dumiskarte sa Prince Popeye  na tumakbo kasama ang coupled entry Pearlescence.

May 12 kabayo ang naglaban at mahusay na nailusot ni Guce ang kabayo sa mga kasaba­yan tungo sa tagumpay.

Napaboran ang coupled entries para sa P5.50 win pero nakuha ng Speed Maker ang panga­lawang puwesto upang makapagbigay pa ng mas magandang P83.00 dibidendo sa 6-10 forecast.

Ito ang ikalawang panalo ni Guce sa gabing ito dahil nauna niyang ginabayan sa unang puwesto ang paborito ring Café Rodolfo.

Kita ang magandang kondisyon ng nanalong kabayo nang pangunahan agad ang anim na kaba­yong karera na nilahukan ng bigating mga kabayo.

Dumikit ang Pencil Away at Mrs. Teapot at ganito ang naging puwesto hanggang sa pagpasok sa far turn na kung saan bumuka ang Café Rodolfo.

Sinikap na samantalahin ito ng Pencil Away ni CS Pare nang kinuha ang kalahating katawang kalamangan pagpasok sa huling 150-meter.

Pero nakabawi agad ang Café Rodolfo at sa huling 75-metro ay huma­rurot na ito tungo sa halos tatlong dipang panalo.

Ang Handsome Hunk ni RM Telles ang siyang nakapanorpresa sa huling takbo sa pista na pag-aari  ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa linggong ito.

Buo na dumating ang Handsome Hulk na namurong manalo matapos ang pang-apat na puwestong pagtatapos noong Mayo 8.

Pumangalawa sa dati­ngan ang di gaanong napansin na Monte Napoleone para maghatid ang forecast na 8-3 sa P206.00 habang ang win ay may naihatid na P74.00 sa win. (AT)

ANG HANDSOME HUNK

BLACK FURY

GUCE

HANDSOME HULK

MACHO MACHINE

PENCIL AWAY

PRINCE POPEYE

RODOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with