Saturday game sa NCAA
MANILA, Philippines - Magdadagdag ang NCAA ng Saturday game bukod pa sa kanilang Monday-Wednesday-Friday schedule para sa layuning mapaigsi ang basketball tournament na magsisimula sa June 28 sa hindi pa natutukoy na venue.
Simula sa taong ito, sinabi ni Management Committee chair Paul Supan ng host Jose Rizal, ang pagkakaroon ng Saturday schedule ay magreresulta ng seven-game a week schedule sa seniors’ division mula sa six-game slate dati.
“This is the league’s answer to questions on how long our Season 90 will last,†sabi ni Supan pagkatapos ng board meeting nitong Miyerkules sa Jose Rizal campus sa Mandaluyong City.
Sinabi rin ni Supan na inagahan nila ang seniors sa 12 noon at 2 p.m. mula sa 4 at 6 p.m. habang ang juniors’ games ay lalaruin sa alas-10 a.m at 4 p.m. mula sa dating 12 noon at 2 p.m.
Ipapalabas naman ng official coveror na TV5 ang lahat ng second games ng Monday-Wednesday-Friday schedule at Saturday game sa TV5 at sa kanilang afficiliate free sports channel na AksyonTV.
Matatandaang umabot ang Season 89 sa second semester sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng liga dahil sa ilang beses na postponements ng mga laro dahil sa bagyo at pagbibigay daan sa 11-araw na FIBA-Asia Championship noong August.
Opening game ang host Jose Rizal laban sa defending champion San Beda kasunod ang laban ng runner-up noong nakaraang taon na Letran at San Sebastian.
- Latest