^

PM Sports

Abot kamay na ng Thunder may pag-asa pa ang Washington

Pang-masa

OKLAHOMA CITY –  Umiskor si Russell Westbrook  ng Oklahoma City ng 38 points at kumunekta ng tatlong free throws sa huling 6.4 segundo ng laro para makabangon ang Thunder mula sa seven-point deficit sa final 50 seconds upang igupo ang Los Angeles Clippers, 105-104 nitong Martes at kunin ang 3-2 bentahe sa Western Conference semifinals.

Ang dramatikong panalo ng Oklahoma ay taliwas sa naging tagumpay ng Washington na naging magaan ang panalo laban sa Indiana, 102-79 para manatiling buhay ang kanilang pag-asa matapos idikit ang kanilang sari-ling serye sa 3-2.

Na-foul si Westbrook ni Chris Paul habang tumitira ng 3-pointer nang naghahabol ang Thunder ng dalawang puntos.

Pagkatapos ng kanyang free throws, nag-drive si Paul patungo sa basket ngunit naagaw ni Reggie Jackson sa kanya ang bola at naubos na ang oras.

Tumapos si Kevin Durant ng 10 sa kanyang 27 points sa huling 3:23 minuto ng laro, para sa Thunder.

Nagtala si Blake Griffin ng 24 points at 17 rebounds, nagsumite naman si Jamal Crawford ng 19 points habang si Paul ay may 17 points at 14 assists para sa Clippers.

Maaaring tapusin ng Thunder ang series nitong Huwebes sa Los Angeles.

Lamang ang Clippers sa 101-88 sa fourth quarter sa 3-pointer ni Crawford bago umiskor si Durant ng 3-pointer, 3:23 minuto ang natitira sa laro na sinundan niya ng dalawang free throws para ilapit ang Thunder sa 101-95.

Bumaba sa apat na puntos ang kalamangan ng Clippers sa basket ni  Jackson.

Ipinasok ni Griffin ang una sa dalawang free throws at nakuha ng Clippers ang offensive rebound sa ikalawa para makatira si Paul ng mid-range jumper na nagbigay sa Clippers ng 104-97 kalamangan, 49 segundo na lang ang natitira.

Umiskor si Durant ng 3-pointer na sinundan agad ng kanyang lay-up, 17 segundo na lang. Naka-steal si Westbrook at sa agawan ng bola ay nakuha ng Thunder ang possession, 11.3 segundo na lang para sa play kay Westbrook.

Sa Washington, umiskor si Marcin Gortat ng 31 points at may 16 rebounds, nagdagdag si John Wall ng 27 points nang gamitin ng Wizards ang 39-rebound advantage upang igupo ang Indiana.

BLAKE GRIFFIN

CHRIS PAUL

JAMAL CRAWFORD

JOHN WALL

KEVIN DURANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

MARCIN GORTAT

OKLAHOMA CITY

WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with