Ang alaala ni Cojuangco kay boxer Villanueva
MANILA, Philippines - Limampung taon na ang nakararaan nang matalo si boxer Anthony Villanueva laban sa isang Russian boxer para sa gold medal round ng featherweight division ng Tokyo Olympic Games.
Ngunit tandang-tanda pa ni Philippine Olympic Committee president Jose “Peping†Cojuangco kung ano ang nangyari noong gabi ng Oktubre ng 1964 sa Tokyo, Japan.
Tila naririnig pa rin niya ang mga buska nang matalo si Villanueva hanggang ngayon.
“Anthony Villanueva is a perfect example of a Filipino athlete cheated of the gold medal,†sabi ni Cojuangco.
Namatay kahapon si Villanueva sa edad na 69-anyos dahil sa sakit sa puso.
“Anthony won convincingly,†ani Cojuangco.
Sinaksihan ni Cojuangco ang nasabing laban ni Villanueva sa ringside bilang isang ordinaryong manonood.
Ayon kay Cojuangco, pumunta siya sa boxing finals kasama ang kaibi-gang si Nene Araneta.
Naging dikitan ang laban nina Villanueva at Stanislav Stepashkin para sa gold medal.
Ngunit para sa mga nakararami, ang Filipino fighter ang tunay na nagwagi. Ngunit sa tatlo sa limang judges na nagmula sa Italy, Lebanon at Tunisia, ang Russian boxer ang nanalo.
Pumabor kay Villanueva ang mga judges buhat sa United Arab Republic at Germany. Kaya naman nang ihayag ang desisyon na pumabor kay Stepashkin ay napuno ng sigawan ang arena.
“There was a howl and a lot of booing,†wika ni Cojuangco. (AC)
- Latest