Fire Bull nag-init para manalo sa labanan
MANILA, Philippines - Mainit na takbo ang naipakita ng Fire Bull para kunin ang tampok na karera noong Sabado na PCSO Special Maiden 3YO Open sa Santa Ana Park sa NaÂic, Cavite.
Apat na kabayo lamang ang nagsukatan sa 1,600-metro karera at ang Fire Bull na sinakyan ni JoÂnathan Hernandez ay hindi bumitiw sa hamon ng Hello Kaette ni CV Garganta para kunin ang panalo.
Naunang umangat ang nanalong kabayo na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.
Pero sa pagpasok sa unang kurbada ay tumulin ang Hello Kaette upang agawin ang bandera hanggang sapitin ang kalagitnaan ng karera.
Dito ay unti-unti ng binitiwan ni Hernandez ang dalang kabayo at sa rekta ay inilabas ang tunay na porma para iwanan ng anim na dipa ang Hello Kaette.
Naorasan ang kabayong anak ng Bwana Bull sa Fire Down Under ng1:44.8 sa kuwartos na 26’, 25’, 25’, 27, tungo sa panalo at maiuwi sa connections ang P600,000.00 mula sa P1 milyong kabuuang premÂyong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
May dagdag na P50,000.00 si Abalos.
Naibulsa ng Hello Kaette ang P225,000.00 at ang Thunder Kat ang pumangatlo para sa P125,000.00 kasunod ang Kadayawan.
Nakitaan din ng galing ang Al Safirah para maibulsa ang P100,000.00 na isinahog sa PCSO Special Race na inilagay sa 1,300-metro distansya.
Hindi tumimbang ang Al Safirah sa mga takbong nilahukan sa buwan ng Abril para makapaghatid ng P21.50, habang ang 10-5 forecast ay naghatid ng P54.50.
- Latest