No. 2 ticket sa semis pag-aagawan ng Blackwater at Cebuana Lhuillier
MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang nagÂÂÂdeÂdepensang BlackÂwaÂÂter Sports Elite at CeÂbuÂana Lhuillier Gems sa pagsilo sa mahalagang ikaÂlawang puwesto at awÂtomatikong silya sa seÂmifinals sa pagpasok ng huling dalawang araw ng eliÂminasyon sa PBA D-League Foundation Cup sa Meralco Gym sa Ortigas Ave. Pasig City.
Galing ang Elite sa daÂlawang dikit na panalo laÂban sa Boracay Rum Waves (96-94) at Café France Bakers (69-67) paÂra makasalo ang Gems at pahingang Jumbo Plastic Giants sa pangalawang puÂwesto.
Kung manalo ang troÂpa ni coach Leo Isaac ay kailangang matalo ang Giants sa huling laro ng Café France Bakers bukas paÂra samahan ang NLEX Road Warriors sa seÂmifinals.
Natalo ang Elite sa Giants, 68-76, para umabante ang huli sa semis kung magtatabla ang daÂlawa sa pangalawang posisyon.
Tiyak na ganito rin ang nasa isipan ng tropa ni coach David Zamar na talunan sa huling dalaÂwang laro sa Hog’s Breath Café, 72-85, at NLEX, 68-76.
Kung ang Gems ang papalarin, sila ang maÂkaÂkasama ng Road Warriors sa Final Four dahil nanalo sila sa Giants, 60-54.
Aasa ang Gems sa gaÂling nina Bambam Gamalinda, Paul, Zamar, James Martinez at Marcy Arellano para lumakas ang laban para sa titulo ng liga.
Unang laro sa alas-2 ng hapon ay sa hanay ng CaÂgayan Valley Rising Suns at Hog’s Breath CaÂfé Razorbacks.
Sa Rising Suns na lamang may halaga ang laÂrong ito dahil sibak na ang Razorbacks tulad ng Derulo Accelero Oilers.
May 3-5 baraha ang CaÂgayan at kasalo ang BoÂÂracay Rum Waves at BaÂkers para sa mahalagang ikaanim at huling puÂwesto na aabante sa quarÂterfinals.
Kung magwagi ang RiÂsing Suns ay sasaluhan nila ang Big Chill SuperÂchargers at umasa na hinÂdi manalo ang Waves at Bakers sa huÂling laro.
Sakaling magkaroon ng 3-way o 4-way tie, ang quotient system ang gaÂgamitin para madetermiÂna ang dalawang uusad sa quarterfinals.
- Latest