Nietes pinatumba si Fuentes
MANILA, Philippines - Nangako si Donnie Ahas’ Nietes na pababagsakin niya si Moises Fuentes ng Mexico sa kanilang reÂmatch.
At ito ay kanyang ginawa sa harap ng kanyang mga kababayan.
Pinatumba ni Nietes si Fuentes sa ninth-round para patuloy na isuot ang kanyang World Boxing Organization (WBO) light flyweight crown noong Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tatlong beses pinabagsak ng 31-anyos na si Nietes ang 28-anyos na si Fuentes sa round nine bago ito inihinto ni referee Robert Byrd sa 2:56 minuto.
“Masyado akong gigil,†sabi ni Nietes matapos maÂpatawan ni Byrd ng one-point deduction matapos suntukin si Fuentes kahit nakaluhod sa una nitong pagÂkakatumba.
Itinaas ni Nietes ang kanyang win-loss-draw ring reÂcord sa 33-1-4, kasama dito ang 19 knockouts, kumÂpara sa 19-2-1 (10 KOs).
Nauna nang naglaban sina Nietes at Fuentes noÂong Marso ng 2013 sa Cebu City kung saan nauwi sa kontrobersyal na majority draw ang kanilang unang pagÂhaharap.
“Ang pinakamalaki kong ginawang adjustment sa laban na ito ay ‘yung pagtarget ko sa katawan niya,†wika ni Nietes. “Sa first fight kasi namin puro ulo ang pinuntirya ko eh.â€
Matapos patahimikin si Fuentes ay puntirya naman ni Nietes ang sinuman kina Nicaraguan superstar Roman Gonzales at Mexican WBO/WBA flyweight king Juan Francisco Estrada.
Samantala, umiskor si Milan ‘Metodico’ Melindo ng isang majority decision laban kay Mexican Martin ‘Diablo’ Tecuapetla para mapanatiling suot ang kanyang WBO International flyweight title.
Nakatanggap si Melindo ng mga iskor na 116-112, 115-113 at 114-114 laban kay Tecuapetla.
Tinalo naman ni Rey ‘Boom Boom’ Bautista si SerÂgio ‘El Cuate’ Villanueva mula sa isang unanimous decision win sa kanilang ten-round, non-title fight mula sa kanyang 97-93, 96-94 at 96-94 puntos bilang bahagi ng undercard ng Nietes-Fuentes championship bout.
- Latest