^

PM Sports

Shakey’s V-League Semifinals: 1-0 bentahe pag-aagawan

Pang-masa

Laro NGAYON

SEMIFINALS

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – Adamson Lady Falcons

vs FEU Lady Tamaraws

4 p.m. – National University Lady Bulldogs vs UST Tigresses

 

MANILA, Philippines - Hawakan ang mahalagang 1-0 karta sa maigsing best-of-three semifinals series ang pag-aagawan ng apat na koponan sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Unang magpapang- abot ang Adamson Lady Falcons at FEU Lady Tamaraws sa ganap na ika-2 ng hapon bago sundan ang pagtutuos ng nagdedepensang kam-peong National University Lady Bulldogs at UST Tigresses dakong alas-4 ng hapon.

Ang magwawagi sa double-header na ito sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ay puwede nang tapusin ang kanilang serye sa Game two sa Martes.

Tiyak na magiging balikatan ang mga tagisang mapapanood sa hanay ng mga UAAP teams dahil mga de-kalidad ang mga manlalaro na bumubuo sa apat na koponang nabanggit.

Ang Lady Tamaraws ay nakahabol sa semifinals matapos kunin ang mga mahuhusay na guest players na sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga para palalimin ang pinagkukunan ng lakas sa opensa at depensa na dati ay nakasandal kina Bernadette Pons at Mary Joy Palma.

Ngunit hindi pahuhuli  ang Lady Falcons na tulad ng FEU ay kinaila-ngang manalo sa huling dalawang laro sa quarterfinals upang manatiling buhay ang paghahabol sa kanilang unang titulo sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Tumikas ang ipinakitang laro ni Thai import Patcharee Sangmuang para may makatuwang ang mga subok nang sina Pau Soriano at Shiela Pineda.

Itinuturing naman ang pagtutuos ng NU at UST na tila isang championship game dahil sa lakas ng puwersa ng magkabilang koponan.

Pinangungunahan ng matatangkad na magkapatid na sina Dindin at Jaja Santiago, ang Lady Bulldogs ay may ipinagmamalaki pang mahuhusay na spikers na sina Aiko Urdas, Myla Pablo at Carmin Aganon.

Setter nila ang bete-ranang si Rubie De Leon habang ang nangunguna sa depensa ay ang mahusay na libero na si Jen Reyes.

Hindi naman padadaig kung tao-sa-tao ang pag-uusapan ang UST para maging mahigpitan ang kanilang tagisan.

Ang batang guest player ng UST na si Ennajie Laure ang siyang lumabas bilang numero uno sa scoring sa 115 puntos, na kinatampukan ng 102 kills.

Naririyan pa ang mga beteranang sina Pamela Lastimosa, Carmela Tunay, Marivic Meneses at Jessey de Leon.

Ang subok nang si Rhea Dimaculangan ang mamamahala sa opensa ng koponan habang ang depensa ay pilit na sasaluhin ng liberong si Jan Eunice Dusaran.

Ang mga mananalo sa semifinals ay aabante sa Finals na isa ring best-of-three series. (AT)

ADAMSON LADY FALCONS

AIKO URDAS

ANG LADY TAMARAWS

BERNADETTE PONS

CARMELA TUNAY

LADY

LADY TAMARAWS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with