2-sunod na panalo sa Seeing Lohrke
MANILA, Philippines - Sinungkit ng kabaÂyong Seeing Lohrke ang ikalawang sunod na panalo habang nakabawi ang Matapat sa pagkatalo sa huling takbo sa idinaos na pista noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ginabayan uli ang Seeing Lohrke ni class B jockey RA Tablizo at hindi naman nadismaya ang mga nanalig sa husay ng kabayo matapos magwagi sa Philracom Summer Racing Festival (CD 1C) na pinaglabanan sa 1,300-metro at sinalihan ng walong kabayo.
Naunang nanalo ang tambalan noong Mayo 4 sa nasabing race track at sa pagkakataong ito ay hiniya ng Seeing Lohrke ang hamon ng Tarlak sa pagdadala ni CM Pilapil.
Bitbit ng Tarlak ang pinakamabigat na handicap weight na 58 kilos at tila ininda ito ng kabayo para malagay sa ikalawang sunod na pangalawang puwestong pagtatapos.
Noong Mayo 4 kumarera sa nasabing bakuran ang tambalan at natalo ito sa kabayong Barkadahan.
Napaboran ang Seeing Lohrke para makapaghatid ng P9.50 sa win habang ang 6-1 forecast ay mayroong P30.50 dibidendo.
Si class D jockey EL Blancaflor ang sumakay pa rin sa kabaÂyong Matapat na nakaÂbawi matapos malagay sa ikalawang puwesto sa Urgent noong Mayo 4 para matapos ang magkasunod na panalo noong buwan ng Abril.
Paborito ang anim na taong kabayo at hindi naman napahiya ito nang agad na sinabayan ang pagÂlayo ng World Peace sa pagdadala ni Val Dilema sa pagbukas ng aparato.
Hinayaan ni Blancaflor na si Dilema ang magdala ng pacing bago pinakawalan ang Matapat sa huling 100-metro ng karera tungo sa dalawang dipang panalo.
May lahing Interrogate sa Sweet Conquest, ang Matapat ay naghatid ng P6.00 sa win at P12.00 sa 3-4 forecast.
Lumabas si Blancaflor bilang pinakamahusay na hinete sa unang gabi ng karera sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) nang nakapaghatid ng dalawang panalo sa walong karerang pinaglabanan.
Ang Heart Smart ang isa pang kabayo na nagaÂbayan ng hinete sa tagumpay sa Philracom Summer Racing Festival na race 5 at pinaglabanan sa 1,500-metro.
Walong kabayo ang nagsukatan, kasama ang isang coupled entry at binigyan ang Heart Smart ng 57-kilos handicap weight.
Ngunit kondisyon ang nasabing ikabayo para makabawi mula sa ikalimang puwestong pagtatapos noong Mayo 3.
Sa pagbukas ng gate ay kinuha agad ng Heart Smart ang kalamangan at sa likod ay lumayo na ng halos limang dipa sa mga naghahabol.
Lalo pang kinargahan ni Blancaflor ang sakay na kabayo para manalo ang second choice ng halos walong dipa sa third pick na Baby Dugo ni Jeff Bacaycay.
Ang napaborang Leica In Manila ni JD Juco ay nalagay lamang sa pang-apat na puwesto.
Kumabig ng P12.00 ang mga nanalig sa husay ng Heart Smart habang P47.00 ang ipinasok sa 7-2 forecast. (AT)
- Latest