Pinoy Pride 25: Nietes vs Fuentes
MANILA, Philippines - Muling ipapakita ni World Boxing Organization (WBO) light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang kanyang kalibre sa pagsagupa kay Mexican challenger Moises ‘Moi’ Fuentes sa ‘Pinoy Pride 25: The Rematch for Glory’ sa Sabado sa SM Mall of Asia Arena.
Nauwi sa draw ang huling paghaharap nina Nietes (29-1-3) at Fuentes (19-1-1), ang dating WBO minimumweight titlist.
Pagkakataon ni Nietes na mapawi ang duda sa kanyang kakayahan.
Handa na si Nietes sa hamong ito.
Kilala na ang katapa-ngan niya mula pa noong nagsilbi siyang janitor sa snake pit ng ALA Promotions founder at head na si Tony Aldeguer.
Ang tiwala rin niya sa sarili at kakayahan sa boksing ang nag-udyok sa kaniya na lapitan ang ALA para gawin siyang boksingero ng sikat na boxing organization ng Pilipinas.
Ngayon, isa na si Nie-tes sa mga matagumpay na Pilipinong boksingero.
Sinabi ni trainer Freddie Roach na pumapa-ngalawa si Nietes kay Manny Pacquiao bilang pinakamahusay na boksingero ng bansa.
Nakamit ni Nietes ang WBO minimumweight at light flyweight crowns.
Samantala, makikita din sa aksyon sina Milan ‘El Metodico’ Melindo at Rey “Boom Boom†Bautista.
Makakatapat ng WBO International flyweight champion na si Melindo (31-1) ang Mexicanong si Martin ‘Diablo’ Tecuapetla (11-5-2).
Nagbabalik naman si Bautista (34-3) na nagretiro noong 2013 nang mawala sa kaniya ang WBO International featherweight belt.
Lalabanan niya ang Mexicanong si Sergio ‘El Cuate’ Villanueva (26-3-2).
- Latest