Unang gold sa Palaro kuha ng taga-Biñan
STA. CRUZ, Laguna , Philippines -- Alam ni Zeanne Faith Cabrera na may nakalaang bonus na ibibigay si Laguna Gov. Jeorge ‘ER’ Ejercito Estregan para sa mga atleta niyang mananalo ng medalya.
Ngunit hindi iniisip ng 16-anyos na lumaki sa Binan, Laguna ang matatanggap niyang P5,000 para sa gold medal.
Naghagis si Cabrera ng CALABARZON ng layong 40.31 metro para angkinin ang unang gintong medalya sa 2014 Palarong Pambansa sa kanyang pamumuno sa secondary girls’ javelin throw kahapon dito.
“Hindi ko po iniisip ‘yung premyo, kasi ang mahalaga po sa akin ay manalo ng gold medal,†sabi ni Cabrera, tubong Zamboanga City at lumaki sa Biñan dahil sa trabaho ng kanyang ama.
Inungusan ni Cabrera, nag-aaral sa Far Eastern University, sina Monica Louise Andaya (39.36m) ng National Capital Region at Jeremay Rubias (38.06m) ng Western Visayas.
Isang bagito naman sa Palarong Pambansa ang kumuha ng ginto sa se-condary boys’ long jump.
Tumalon ang 15-anyos na si Jose Jerry Belibestre ng Western Visayas ng 7.08m para ibulsa ang gold medal kasunod sina Martin James Esteban (6.70m) at Erson Osaka (6.55m) ng Region II.
“First time ko pa lang sumali dito sa Palaro, kaya nu’ng manalo ako ng gold talagang masayang-masaya ako,†ani Belibestre, isang third year student sa Romanito Maravilla National High School.
Samantala, hindi nakadalo kahapon sa opening ceremony si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.
Sa kanyang text message kay Gov. Estregan, sinabi ni Pacquiao na kaila-ngan niyang obserbahan ang kondisyon ng kanyang bagong silang na anak na si Israel.
- Latest