Namumuro ang San Mig
MANILA, Philippines - Sa likod ng mainit nilang opensa sa fourth quarter ay inilapit ng Mixers ang kanilang sarili sa PBA Finals.
Umiskor ang San Mig Coffee ng 30 points sa kabuuan ng final canto para talunin ang Air21 sa Game Three, 84-73 at angkinin ang 2-1 bentahe sa kanilang semifinals series para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Maaaring tapusin ng Mixers ang kanilang best-of-five semifinal showdown ng Express sa Game Four bukas sa Big Dome.
Winalis ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine, 3-0 sa kanilang semis duel para angkinin ang unang finals berth at hinihintay ang mananalo sa pagitan ng San Mig Coffee at Air21.
“It was a struggle. Coach Franz (Pumaren) did a good job getting us confused. They worked their way through problems but they weren’t able do that tonight,†sabi ni Mixers head coach Tim Cone.
Naglaro ang Express ni Pumaren na wala si forward Sean Anthony na may iniindang Achilles heel injury.
Ipinoste ng San Mig Coffee, nagkampeon sa 2013 PBA Governor’s Cup at 2014 Philippine Cup, ang pinakamalaki nilang bentahe na 14 points, 82-68, mula sa one-handed slam dunk ni Marc Pingris sa 2:10 minuto.
Umiskor si PJ Simon ng 18 points at nagtala ng 4 assists para sa Mixers, habang nagdagdag si Barroca ng 17 markers kasunod ang 15 ni import James Mays.
SAN MIG COFFEE 84 - Simon 18, Barroca 17, Mays 15, Devance 9, Pingris 7, Melton 6, Yap 6, Reavis 4, Sangalang 2, De Ocampo 0, Gaco 0, Mallari 0.
AIR21 73 - Taulava 21, Witherspoon 19, Ramos 10, Yeo 6, Burtscher 5, Cardona 4, Borboran 3, Poligrates 3, Villanueva 2, Jaime 0, Menor 0, Atkins 0.
Quarterscores: 24-15; 49-40; 64-59; 84-73.
- Latest