Philracom hinimok ni Pangulong Aquino
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagbati sa ika-40th anibersaryo ng pagkakatatag ay hinimok pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang pamuÂnuan ng Philippine RaÂcing Commission (PhilraÂcom) na ipagpatuloy ang magandang serbisyo para dire-Âdiretso ang mga magandang nangyayari sa horse raÂcing.
Ginawa ito ni Aquino sa kanyang mensahe sa ahensya at kanyang ipinagdiinan na ang patuloy na pagtitiwala ng tao sa Philracom ay isa sa mahalagang aspeto sa kanyang isinusulong na good governance.
“Intergrity and good governance are vital cornerstones in our mission to bring lasting progress to the country. These are essential to your rule as a regulatory body, whose continued excellence will help redefine the Philippines as we journey towards greater inclusiveness,†wika ni Aquino.
Dapat din na hindi makontento ang mga opisyales ng Philracom sa panguÂnguna ng chairman na si Angel Castano Jr. upang maipagpatuloy ang paghahatid ng pangaÂngailangan ng mga taong tumatangkilik sa horse racing.
“May this event inspire you to remain steadfast exemplars of patriotic service, and may your efforts to consolidate and update your systems empower our government to become a more efficient and advanced mechanism fully capacitated to meet the needs of the Filipino people,†pagtatapos ng mensahe ng Pangulo.
Wala pa sa kalahati ang taong 2014 pero malaki ang senyales na magiging produktibo ang industriya kung paghahatid ng kita sa kaban ng bayan ang pag-uusapan.
Sa pagtatapos ng uÂnang quarter (Enero hanggang Marso) ay nasa P154.7 milyon na ang itinaas ng kinita ng industriya kung ikukumpara ang unang tatlong buwan sa 2013.
Hindi malayong tumaas pa ito hanggang HunÂyo dahil sa pagdaraos ng mga karerang may added prizes at ang pagsimula na rin ng premÂyadong karera para sa mga tatlong taong gulang na mga kabayo na Triple Crown Championship.
Ang unang leg ay gagawin sa Mayo 18 sa Metro Turf at paglalabanan ito sa 1,600-metro karera.
Ang pangalawang leg ay sa Hunyo 22 sa Santa Ana Park sa 1,800-metro distansya at ang ikatlo at huÂling leg ay sa Hulyo 27 sa San Lazaro Leisure Park at gagawin ito sa 2,000-metro.(AT)
- Latest