^

PM Sports

UNESCO tutulong sa PSC sa doping

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tutulong ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa plano ng Philippine Sports Commission (PSC) na nationwide campaign laban sa droga.

May titulong “Awareness and Commitment campaign on Anti-doping in the Philippines”, makakatuwang ng PSC sa pagsulong ng proyekto ang Philippine Center for Sports Medicine (PCSM) at layunin nila na ituro ang mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot lalo na sa palakasan.

Ang Pilipinas ay makailang-ulit na rin na natatanggalan ng medalya sa kompetisyon sa labas ng bansa dahil hindi alam ng mga manlalaro at kanilang coaches ang mga gamot na ipinagbabawal ng mga international federation.

Ang problema na ito ay inaasahang masosolusyunan sa planong pagsasagawa ng Regional Anti-do-ping Conference at National Summit.

“We are very thankful for  the support extended to the Philippines by UNESCO. They will be releasing $20,000.00 (halos P875,000.00) for our awareness campaign on doping,” pahayag ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Naisara ang pagtutulungan nang nagkaharap sina Garcia, PCSM chief Dr. Alejandro Pineda Jr. at UNESCO secretary-gene-ral sa Pilipinas na si Virginia A. Miralao kamakailan.

Sa ipinasang plano ng PSC sa UNESCO, dalawang regional confe-rences at isang National Conference ang idaraos.(AT)

ANG PILIPINAS

AWARENESS AND COMMITMENT

DR. ALEJANDRO PINEDA JR.

NATIONAL CONFERENCE

NATIONAL SUMMIT

PHILIPPINE CENTER

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REGIONAL ANTI

RICARDO GARCIA

SCIENTIFIC AND CULTURAL ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with