4-man track team sasabak sa Thailand Open
MANILA, Philippines - Ang Cebu Pacific Air, No. 1 budget air carrier ng bansa, ang magiging main supporter ng national track and field four-man delegation na sasabak sa Thailand Open Track and Field Championships na nakatakda sa May 6-9 sa Bangkok, Thailand.
Pangungunahan nina pole vaulter Riezel Buenaventura, javelin thrower Evalyn Palabrica, high jumper Manuel Lasagne Jr. at long jumper Julian Fuentes ang maliit ngunit maasahang national team mula sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa four-day event na katatampukan ng mga umuusbong na tracksters sa rehiyon.
Magbibigay ang Cebu Pacific Air ng round-trip tickets para sa delegation na kinabibilangan nina coach Rosalyn Hame-ro, sa pamamagitan ng kanilang chief executive officer na si Lance Gokongwei.
- Latest