4-gold sa Mandaluyong boxers
INFANTA, Philippines - – Nagsubi ang Mandaluyong boxers ng apat na gold medals at isang bronze para makopo ang overall championship sa 2014 PLDT-ABAP Luzon Area Boxing Tournament sa Central School grounds sa Quezon Province.
Pumangalawa ang Tayabas sa kanilang dalawang gold, two silvers at tatlong bronzes. Pangatlo naman ang La Union sa kanilang 1-2-1 medals.
Na-outpoint ni Luis Evander si Lawrence Ordonio ng La Union, 2-1, sa Jr. Boys 54kg. bantamweight division finals; pinigilan ni Ro-bert Onggocan ang isa pang La Union bet na si Billy Joe Torres via TKO sa youth boys 46kg. pin weight category; dinomina ni Jay Arre Arcilla si Jose Peldigera Jr. ng Occidental Mindoro, 3-0, sa youth boys 49kg. light flyweight class at hindi pinaporma ni Medardo Noculan Jr. si Jay-R Mengote ng University of Baguio, 3-0 sa youth boys 56kg. bantamweight division.
Ang Tayabas pride ay sumandal kina Jonjie Maritana na nanalo sa Sorsogon bet na si Mark Magas, 3-0, sa Jr. Raymart Mingao ng boys 46kg. pin weight, at Archie Esteleydes na nagtala ng 2-1 winner kontra kay Occidental Mindoro sa Jr. boys 50kg. flyweight.
- Latest