Clippers owner Sterling na-ban sa NBA for life
NEW YORK — Ipinataw ni NBA Commissioner Adam Silver ang pinakamabilis at pinakamabigat na parusang kaya niyang ibigay kasabay ng panawagan sa mga NBA owners na pilitin si Los Angeles Clippers owner Donald Sterling na ibenta ang kanyang koponan matapos ang racist comments nito na nakasira sa liga.
Halos karamihan ng mga team owners ay sinuportahan ang desisyon ni Silver na sinasabing pinakama-tinding parusang ipinataw sa kasaysayan ng U.S. sports.
“We stand together in condemning Mr. Sterling’s views. They simply have no place in the NBA,†wika ni Silver sa isang news conference.
Pinatawan ang 80-anyos na si Sterling ng lifetime ban sa NBA o maging sa Clippers at pinagmulta ng $2.5 milyon — ang pinakamataas na multang pinapayagan sa NBA constitution.
Kung papayag ang three-fourths sa natitirang 29 team owners sa rekomendasyon ni Silver, si Sterling ay mapupuwersang ibenta ang koponang kanyang hinawakan sapul noong 1981.
Walang nakuhang komento mula kay Sterling ukol sa naging desisyon ni Silver.
Ikinatuwa ng mga players ang naging aksyon ni Silver kung saan inihayag ng union officials na kung hindi kasama sa parusa ng NBA ang pagpupuwersa kay Sterling na ibenta ang Clippers ay ikukunsidera nila ang pagbo-boycott sa playoff games.
“We wanted to be a part of this decision, and we wanted Adam Silver to know where we stood. And we were very clear that anything other than Sterling selling his team was not going to be enough for us,†sabi ni Roger Mason Jr., ang first vice president ng players’ union.
Ang komento ni Sterling’ — inirekord ng kanyang nobya at inilabas ng TMZ noong Sabado — ay nakasira sa liga, ayon kay Silver.
Nagbanta ang mga sponsors na iiwanan ang NBA at ang mga kritisismo ay nagmumula sa mga fans sa social media at maging sa White House.
Tinuligsa ni Sterling si V. Stiviano — ang boses ng babae sa recording — dahil sa pagpo-post ng litrato ng mga black athletes na sina Magic Johnson at Matt Kemp.
“It bothers me a lot that you want to broadcast that you’re associating with black people. Do you have to?†tanong ni Sterling sa babaeng nasa tape.
“Sentiments of this kind are contrary to the principles of inclusion and respect that form the foundation of our diverse, multicultural and multiethnic league,†ani Silver.
- Latest