Mepranum nakatakdang hamunin si Estrada para sa WBA/WBO titles
MANILA, Philippines - Hahamunin ni Filipino super flyweight contender Richie Mepranum ng Sarangani Province si unified WBA/WBO super flyÂweight champion Juan FranÂcisco Estrada ng Mexico ngayon sa Centro Convenciones sa Puerto PeÂnasco, Sonora, Mexico.
Kapwa tumimbang siÂna Estrada (25-2-0, 18 KOs) at Mepranum (27-3-1, 6 KOs) ng 112 pounds sa isinagawang weigh-in.
Ito ang magiging ikalawang title fight ni Mepranum matapos matalo kay Julio Cesar Miranda via fifth-round TKO sa kaÂnilang WBO flyweight championship bout noong Hunyo 12, 2010.
Nangako si Mepranum na gagawin niya ang laÂhat para maagaw ang mga titulo kay Estrada.
Ibibilang naman ni Estrada si Mepranum sa mga nauna niyang biniktimang Filipino fighters.
Inagaw ni Estrada kay Brian Viloria ang mga suÂot nitong WBA/WBO belts noong Abril 6, 2013 sa Macau, China.
Matagumpay naman niÂya itong naidepensa konÂtra kay mandatory chalÂlenger MiÂlan Melindo noÂong Hulyo 27, 2013 sa Macau.
Sa co-main event ay laÂlabanan ni John Mark ApoÂlinario (17-3-3, 4 KOs) ng Sarangani ProÂvince si Hernan Marquez (36-4-0, 26 KOs) sa isang 10-round flyweight non-title bout.
Sa Mexico City, sasagupain naman ni Ranel SuÂco (15-7-2, 6 KOs) ng La Trinidad, Benguet si knockout artist Julio Ceja (26-1-0, 24 KOs) ng Tlalnepantla, Mexico para sa WBC bantamweight silver title.
- Latest