^

PM Sports

No. 1 seat target ng Davao Lady Agilas

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikaapat na sunod na pa­nalo na maglalagay sa Davao Lady Agilas bi­lang No. 1 team sa ka­nilang grupo ang hanap ni­la sa pagsukat sa UST Tigres­ses sa pagpapatuloy ng Sha­key’s V-League Season 11 First Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng ha­pon ang bakbakan at na­lalagay ngayon  bilang pa­borito ang bagitong ko­po­nan na kinalos ang mas beteranang teams na FEU Lady Tamaraws, Perpetual Help Lady Altas at nagdedepensang Na­tional University Lady Bulldogs sa Group A.

Saluhan ang Arellano Lady Chiefs at Ateneo Lady Eagles ang gagawin ng Adamson Lady Fal­cons sa pagharap sa St. Be­nilde Lady Blazers sa ika­lawang laro sa alas-4 ng hapon.

Pasok na ang dalawang koponan sa quarter­finals sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s pe­ro mahalaga pa rin ang makukuhang panalo pa­ra sa kanilang puwesto pa­pasok sa susunod na round.

Nakikitaan ng galing si­na May Agton, Jocemar Ta­pic, Venus Flores, at Mae Antipuesto kaya’t na­kadagit agad ng tatlong ma­gagandang panalo ang bisitang koponan.

Tiyak na masusukat muli ang kanilang deter­minasyon sa Tig­resses ligang may suporta pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Ang bata pero mahusay na si Ennajie Laure ang mangunguna sa pag-atake sa UST pero may ma­aasahan din siyang su­porta kina Pam Lasti­mosa, Carmela Tunay, Ma­rivic Meneses, Rhea Di­maculangan at Jan Du­sa­ran.

 

ADAMSON LADY FAL

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

CARMELA TUNAY

DAVAO LADY AGILAS

ENNAJIE LAURE

FIRST CONFERENCE

LADY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with