^

PM Sports

Galedo pang-national team talaga

Pang-masa

BAGUIO CITY, Philippines -- Wala na sigurong kukuwestiyon sa pagkakasama ni Mark Galedo ng 7-Eleven Roadbike continental team sa National squad para sa Incheon Asian Games matapos ang kanyang pa-nalo sa katatapos lamang na 4-day Le Tour de Filipinas na hatid ng Air21.

Tinalo ng 28-gulang na si Galedo gold medalist sa men’s 50K ITT sa 2013 Southeast Asian Games, ang mga dayuhan at kapwa Pinoy riders sa UCI sanctioned Class 2.2 race na itinalaga ng PhilCycling officials bilang isa sa qualifying events para sa Phil team na ilalahok sa Asiad gayundin sa Asian Championships.

“Isa ‘yan sa iniisip ko sa Le Tour kasi bago pa man mag-umpisa ang karera sinabi na nila na isa ito sa sinisilip nila para piliin ang Filipino riders na pupunta,” sabi ni Galedo na naibaon na sa limot ang kanyang pagkaunsiyami sa nakaraang 14-stage local tour na sinalihan.

Matapos ang pagkarera ni Galedo sa international cycling race na Le Tour, nakaipon siya ng  kabuuang 53 points sa kanyang individual general classification title, panalo sa stage two at runner up finish sa stage four na mag-aangat sa kanya sa UCI rankings.

“Napakalaking bagay ito para sa kanya, sa team at sa bansa because this will bring us up in the lea-derboard,” sabi ni 7-Ele-ven team director Ric Rodriguez na siyang naging acting coach ng koponan. “He’ll now be in the Top 30 or 50 in UCI Asian ranking because of this.”

Tangka ni Galedo na masundan ang kanyang panalo sa Le Tour sa kanyang pagdedepensa ng titulo sa Pedal to the Meadow, isang high-altitude climb race sa Hawaii sa susunod na buwan.

Pangungunahan naman niya ang Roadbike sa pagkampanya sa nine-stage Tour de Singkarak sa June sa Indonesia.

ASIAD

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ELEVEN ROADBIKE

GALEDO

INCHEON ASIAN GAMES

LE TOUR

MARK GALEDO

RIC RODRIGUEZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with