Jade Bros. nanguna sa mga horse owners
MANILA, Philippines - Hindi pa rin nawawala ang galing ng mga kabayo ng Jade Bros. Farm upang manatili ang pangunguna sa hanay ng mga horse owners sa buwan ng Marso.
Sampung panalo ang naitala ng mga inilaban noong nakaraang buwan upang makalikom na ng kabuuang 29 panalo bukod sa 22 segundo, 11 tersero at 22 kuwarto puwestong pagtatapos.
Dahil dito ay pumalo na sa P3,913,717.53 ang total earnings ng Jade Bros. Farm matapos ang unang tatlong buwan.
Si Aristeo Puyat ay nanatili sa ikalawang puwesto pero umangat sa pangatlo ang dating nasa ikaanim na puwesto na si Eduardo Gonzales.
May P2,942,132.99 kita na si Puyat sa 19 panalo, 12 segundo, 27 tersero at 21 kuwarto puwesto habang si GonzaÂles na may pinakamaraÂming panalo sa buwan ng Marso na 11, ay may P2,878,802.29 sa 22-11-12-12 karta.
Si Patrick Uy ay bumaba mula sa ikatlong puwesto tungo sa pang-apat tangan ang P2,798,617.96 (23-8-13-17) habang si Sixto Esquivias IV ang nasa ikalimang puwesto sa P2,503,731.38 (17-11-21-14).
Ang mga nasa unang sampung puwesto ay sina Hideaway Farm Corp sa P2,239,663.94 (15-6-9-2), Narciso Morales sa P2,213,194.68 (14-13-20-13), Mandaluyong City Mayor Benhur AbaÂlos sa P2,207,729.09 (9-15-7-4), Wilbert Tan sa P1,988,938.71 (13-10-13-11) at SC Stockfarm sa P1,968,729.63 (14-9-10-7).
May 19 iba pang horse owners ang kumabig ng mahigit na P1 milÂyong premyo at kasama na rito si Hermie Esguerra na umangat mula 25th place tungo sa 14thbitbit ang P1,453,298.66 sa 10 panalo, 6 segundo, 5 tersero at 2 kuwarto puwestong pagtatapos. (AT)
- Latest