^

PM Sports

Caguioa dismayado sa mga teammates

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi matiis ni 2012 PBA Most Valuable Pla­yer Mark Caguioa na hin­di maibulalas ang kan­yang nararamdaman sa mga kakampi niya sa Barangay Ginebra.

Matapos masibak ang Gin Kings mula sa 84-97 pagyukod sa semifina­list na Talk ‘N Text Tropang Tex­ters sa quarterfi­nal round ng 2014 PBA Com­mis­sioner’s Cup no­ong Martes ay idinaan ni Caguioa ang kan­yang pag­kadismaya sa pamamagitan ng Twitter.

“Dati rati kinakataku­tan itong team nato at iniilagan pero ngayon lahat ng team gusto kami kalaban ksi mga tamad and sobrang lalambot,” ani Ca­guioa sa kanyang Twitter account na @official MC47.

Tumapos ang Ginebra na may 3-7 win-loss record.

Sa naturang kabiguan sa Talk ‘N Text, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 1 team, ay tumipa ang 13-year ve­teran ng team-high na 18 points mula sa kanyang 9-of-13 fieldgoal shoo­ting.

Ikinumpara ni Caguioa ang mga Ginebra pla­yers ngayon kumpara sa koponan ni ‘Living Le­gend’ Ro­bert Jaworski, Sr.

Ilan sa mga binigyang-halaga ni Caguioa ay sina Ru­dy Distrito, Bal David, Noli Locsin at Pido Jarencio, ang coach ngayon ng Globalport.

“Kilala ba nila si Coach Sonny? Noli Loc­sin? Pido? Bal david? Rudy Distrito? Itong mga pla­yer nato makikipag pa­litan talaga ng mukha,” ani Caguioa.

“Parang ito na yung mga player ngayon na parang hindi nila alam ang history ng GINEBRA. I dnt think they knw ksi parang walang mga pake,” sabi pa ng 34-anyos na three-time Best Player of the Conference awar­dee.

BAL DAVID

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CAGUIOA

COACH SONNY

GIN KINGS

GINEBRA

LIVING LE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with