^

PM Sports

St. Benilde pasok sa quarters; Davao kumamada

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Inangkin ng College of St. Benilde ang puwesto sa quarterfinal round, habang ang bagitong Da­vao Agilas ay lumapit sa isang panalo sa quarters sa Shakey’s V-League Sea­son 11 First Confe­rence kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Sa third set lamang napalaban ang Lady Blazers kontra sa St. Louis Lady Navigators.

Pero sapat pa rin ang angking husay ng St. Benilde para ma­kum­pleto ang 25-13, 25-14, 25-20 straight sets victory laban sa St. Louis.

Ito ang ikalawang pa­nalo sa apat na laro ng Lady Blazers upang sama­han ang Arellano La­dy Chiefs, Adamson La­dy Falcons at Ateneo La­dy Eagles, ang nagreyna sa UAAP, na umabante sa quarterfinals sa Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Napatalsik na ang St. Louis sa pagkakalasap ng ikaapat na sunod na ka­biguan nito at nasayang ang hinawakang 20-19 ka­lamangan sa third set dahil sa magkakasunod na errors na nagbigay ng li­mang sunod na puntos sa katunggali.

Naipakita naman ng Lady Agi­las ang tibay ng dibdib matapos daigin ang NCAA champion na Perpetual Help Lady Altas sa deciding fifth set pa­ra sa kanilang ikala­wang sunod na panalo sa 23-25, 24-26, 25-18, 25-20, 17-15 tagumpay.

Nakatiyak na ng playoff ang Davao at kaila­ngan na lamang nila na ma­ipanalo ang isa sa hu­ling tatlong laro upang umabante sa susunod na yugto ng kompetisyon sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Popormalisahin ng La­­dy Agilas ang pagpa­sok sa quarterfinals sa pag­­sabak sa nagdedepen­sang Lady Bulldogs bukas.

Sina May Shiel Agton at Venus Flores ay may 21 at 20 puntos at naghati sa 40 kills para ibigay sa Lady Altas ang ikaapat na sunod na kabiguan tungo sa pamamaalam sa 12 ko­po­nang liga.

ADAMSON LA

AGILAS

ARELLANO LA

ATENEO LA

COLLEGE OF ST. BENILDE

FIRST CONFE

LADY BLAZERS

SHY

ST. LOUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with