Ikalawang sunod na BPC tinatarget ni Fajardo
MANILA, Philippines - Matapos si Mark CaÂguioa ng Barangay GiÂnebÂra ay si June Mar FajarÂdo naÂman ng San Miguel Beer ang maghahangad na makopo ang kanyang ikaÂÂlawang sunod na Best PlaÂÂyer of the Conference award.
Binanderahan ng 6-foot-10 na si FajarÂdo ang staÂtistical points stanÂdings sa pagtatapos ng elimination round ng kaÂsalukuÂyang 2014 PBA Commissioner’s Cup.
Nagposte ang Cebuano center ng mga averaÂges na 12.6 points, 10.7 reÂbounds, 1.3 assists, 0.6 steals at 1.9 blocks para maÂÂkolekta ang 31.71 aveÂrage statistical points (SP).
Hinirang si Fajardo biÂlang Best Player of the ConÂference ng nakaraang PBA Philippine Cup.
Nagawa naman ng 6’1 na si Caguioa na maÂsikwat ang kanyang daÂlaÂwang sunod na BPC troÂphy noong 2012 PBA Commissioner’s at GoÂvernors’ Cups.
Nasa ilalim ni FajarÂdo para sa naturang karaÂngalan ang kakamping si ArÂwind Santos na may 31.67 SP.
Inangkin naman nina RaÂnidel de Ocampo at Jayson Castro ng Talk ‘N Text ang ikatlo at ikaapat na puwesto mula sa kaÂnilang 30.2 SP at 30.1 SP, ayon sa pagkakasunod.
Inupuan ni Marcio LasÂsiter ng San Miguel Beer ang pang-limang poÂsisyon sa kanyang 28.0 SP.
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Asi Taulava ng Air21 (26.1), Rain or Shine scorer Paul Lee (25.7), San Miguel Beer guard Chris Ross (25.3), seven-foot Ginebra rookie Greg Slaughter (25.2) at Meralco outside sniper GaÂry David (24.3).
Maliban kina De Ocampo at Castro ang iba pang Tropang Texters na naÂsa Top 20 ay sina Jimmy Alapag (11th), Niño CaÂÂnaleta (12th), Larry FoÂnacier (14th) at Kelly Williams (16th).
Sa Best Import race ay kaagad namuno si two-time Best Import Gabe FreeÂman ng Ginebra sa kanÂÂyang 54.0 SP kasunod sina Darnell Jackson (52.3 SP), ng Meralco at Kevin Jones (51.9 SP) ng San MiÂguel Beer.
- Latest