F. Raquel, Jr. nanguna sa palakihan ng kinita
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang maÂgandang ipinakikita ni Fernando Raquel Jr. sa buÂwan ng Marso paÂra kunin ang liderato sa palakihan ng kinita sa hanay ng mga hiÂnete.
Umani ng 21 panalo bukod pa sa 20 segundo, 7 tersero at 9 kuwarto puÂwesto sa 99 takbo noÂong nakaraang buwan si Raquel upang palawiÂgin ang kinita matapos ang tatlong buwan sa P1,087,923.78 premyo.
May 199 na takbo ang sinalihan ni Raquel at may kabuuang 52-35-22-20 una hanggang ikaapat na puwestong pagtatapos na karta para makabangon mula sa ikatlong puwesto ang hinete noong Pebrero.
Si Jesse Guce ay naÂnaÂtili sa ikalawang puwesto sa talaan, habang ang naÂnguna noong PebÂrero na si Pat Dilema ay buÂmaba sa ikatlong puwesto.
May 16 panalo si GuÂce sa 106 na karerang niÂlahukan para maging ikaÂlawang hinete na may maÂhigit na isang milyong kinita sa P1,025,114.03.
Nangunguna si Guce sa paramihan ng takbo sa 273 at may kabuuang 39 paÂnalo, 47 segundo, 39 terÂsero at 37 kuwarto puÂwesÂtong pagtatapos.
Si Dilema na may puÂmapangalawang bilang sa sakay matapos ang tatlong buwan na 200 ay may 46 panao, 34 segundo, 24 terÂsero at 19 kuwarto puwestong pagtatapos para sa P960,222.30 premyo.
Kumabig lamang ang hiÂnete ng 14 panalo sa 73 karera lamang noong MarÂso.
Umangat si Mark Alvarez sa ikaapat na puwesto mula sa ikalima bitbit ngayon ang P718,575.55 premyo sa 179 takbo at may 37-29-24-27 baraha.
Si Jonathan Hernandez ay nanatili sa ikaanim na puwesto taglay ngayon ang P669,121.19 premyo sa 119 takbo at 27-20-24-14 baraha.
Ang nasa ikapitong puwesto ay si Dominador Borbe Jr. sa P513,688.92 premyo sa 131 sakay (20-13-18-14), bago sumunod sina Jeff Bacaycay sa P493,948.40 sa 145 takbo (21-17-28-21), Kelvin Abobo sa P482,765.92 sa 121 takbo (17-27-17Â-15), at JPA Guce sa P472,112.79 sa 108 sakay (17-14-21-13).
Ang mga apprentice riders na sina JL Paano, JD Juco at CS Pare Jr. ay nasa ika-11th, 12th at 15 puÂwesto.
Si Paano ay kumabig ng P465,902.36 premyo sa 150 takbo (19-23-16-15), si Juco ay may P429,487.97 sa 136 takbo (16-23-23-15) at si Pare ay may P357,645.20 sa 169 takbo (14-15-19-26).
- Latest