^

PM Sports

Isang rider at 2 photographer sugatan naman sa banggaan; Sheppard inangkin ang Stage One ng 2014 Le Tour de Filipinas

Mae Balbuena - Pang-masa

OLONGAPO CITY , Philippines  â€“ Nagparamdam ang ba­tang siklista ng Continental team ng Singapore  na si Eric Timothy Sheppard nang pangunahan nito ang 160 kilometer Clark to Olongapo City Stage 1 ka­hapon.

Nagsumite si Sheppard ng tiyempong apat na oras, anim na minuto at 52 segundo nang solo ni­tong tawirin ang finish line sa tapat ng Olongapo Ele­mentary school.

Sumabay sa breakaway group  na binubuo ng pitong siklista si Sheppard at bagama’t naiwan ay nagawa niyang huma­bol sa gitna ng matinding sikat ng araw upang kunin ang yellow jersey sa karerang nabahiran ng aksidente sa finish line.

“I was with the group  but I slowed down and caught up after the se­cond KOM (King of the Mountain, sa may baha­ging zigzag sa Morong),” pahayag ng Australianong si Sheppard na naka-base sa Singapore.

Nagkaroon ng aksi­den­te sa rematehan ng pu­mangatlong si Kwon Soon Yeong ng KSPO-Korea at pumangalawang si Yousif  Mohamed Mir­­za Alhamdi ng UAE na may mahigit apat na mi­nutong layo kay Sheppard.

Bumangga si Kwon sa photographer ng Rappler.com na si Josh Albelda na kumukuha ng litrato ilang metro lamang pagtawid ng  finish line.

Parehong duguan si Al­belda at ang Korean ri­der na kaagad itinakbo ng mga organizers sa Uni­health-Bay Pointe Hos­pital and Medical Cen­ter.

Tumama ang ulo ni Kwon na nagtamo ng ma­­raming gasgas sa kata­wan, habang si Albelda ay may malaking bukol sa kaliwang mata at puro gasgas ang braso.

Parehong may malay ang dalawa na kasaluku­yang sumasailalim sa CT-scan habang sinusulat ang balitang ito. 

Nasaktan din ang pho­tographer na si Alysa Sa­len ng Business Mirror na nagkaroon ng fractured cla­vicle.

Binabantayan ng mga organizers ang tatlong nasugatan.

Samantala, pakakawalan nga­yong alas-8:30 ng umaga ang Stage Two na 170-km  Olongapo City to Cabatuan City sa harap ng Olongapo City Hall.

Ang Stage Three bukas ay 146.6 kms Cabana­tuan City to Bayombong, Nueva Viscaya at ang Stage 4 naman sa Huwe­bes ay ang akyating 134-km Stage Bayombong to Burn­ham Park sa Baguio Ci­ty.

Medyo nahirapang su­mabay ang mga Pinoy at tanging si Mark Julius Bordeos ng Team 7-Ele­ven Roadbike Philippines ang nakapasok sa top 10.

Nagtangka siyang hu­mabol sa lead pack sa ba­haging Morong, Bataan.

Ngunit pinulikat ang kan­yang mga paa kaya na­­kuntento na lamang si­ya sa pang-siyam na posisyon.

ALYSA SA

ANG STAGE THREE

BAGUIO CI

BAY POINTE HOS

BUSINESS MIRROR

CABATUAN CITY

SHEPPARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with