Broner handang labanan si Pacquiao sa 140 pounds
MANILA, Philippines - Ilista na ang pangalan ni American Adrien BroÂÂner para sa posibleng maÂkalaban ni Manny Pacquiao.
Sinabi ni Broner na hanÂÂda siyang sagupain si Pacquiao sa anumang weight division na gustuÂhin ng Filipino world eight-division champion.
“I’d fight him (Pacquiao) at any weight,†saÂbi ni Broner, isang occasional rapper, sa panayam ng Boxingscene.com.
Nauna nang ipinaramdam ni Pacquiao na plano niyang bumaba ng weight class sa 140 pounds.
Sapul noong 2009 ay hindi pa nakakapagpaÂbagsak ng kalaban si Pacquiao.
Bitbit naman ni BroÂner, nagwagi ng mga world titles sa super feaÂtherÂweight, lightweight at welterweight class, ang reÂcord na 27 wins at 1 loss.
Ang 24-anyos na tubong Cincinnati, matalik na kaibigan ni Floyd MayÂweather Jr., ay nagdaÂdala ng 22 knockout victories kung saan ang siyam dito ay sa loob lamang ng three rounds.
Natikman ni Broner ang kanyang unang kabiÂguÂan kay Marcos MaiÂdana noong Disyembre.
Subalit imbes na gamitin ang rematch clause ay binigyan niya si Maidana ng pagkakataong sagupaÂin si Mayweather sa daraÂting na Mayo 3.
Sa undercard ng natuÂrang laban ay makakabangga ni Broner si Carlos Molina.
At sakaling talunin niÂya si Molina ay plano naÂman niyang hamunin si PacÂquiao.
Halos anim na taon nang lumalaban si Pacquiao bilang welterweight at iniisip nang bumaba ng timbang sa kanyang susunod na laban.
“If I could make 115 to fight Pacquiao I will do it,†wika ni Broner.
- Latest