^

PM Sports

Lady Eagles sa quarterfinals

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinagit ng UAAP champion na Ateneo ang ikatlong puwesto sa quarterfinals sa Group A mula sa 25-15, 25-19, 25-20 panalo sa St. Benilde sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 11 kills at 2 aces tungo sa 13 puntos si Alyssa Valdez, habang may 7 kills at 2 blocks para sa 10 puntos si Michelle Morente upang pangunahan ang Lady Eagles sa paghablot ng ikatlong panalo matapos ang apat na laro at matulad sa Arellano Lady  Chiefs (4-1) at Adamson Lady Falcons (3-1) na nakapasok sa quarterfinals.

Si Jeanette Panaga ang nanguna sa Lady Blazers sa kanyang 10 puntos pero kinulang siya ng suporta para bumaba ang koponan sa 1-2 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Kailangan ng St. Benilde na talunin ang St. Louis bukas para tapusin ang tagisan para sa puwesto.

Nagpakilala naman ang baguhang Davao Lady Agi­las nang sorpresahin ang FEU Lady Tamaraws, 25-20, 25-19, 20-25, 25-22, sa unang  laro para sa ka­nilang unang panalo sa ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

 

ADAMSON LADY FALCONS

ALYSSA VALDEZ

ARELLANO LADY

DAVAO LADY AGI

FIRST CONFERENCE

GROUP A

LADY BLAZERS

LADY EAGLES

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with