^

PM Sports

Ravina at Barnachea dadalhin ang laban ng mga Pinoy sa Le Tour

Mae Balbuena - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagtutulungan  nina Ba­­ler Ravina at Santy Bar­nachea na bigyan ng ka­rangalan ang mga Pinoy sa pag­larga ng 4-stage Le Tour de Filipinas nga­yon.

Sisimulan ang karerang kinikilala ng Interna­tional Cycling Union (UCI) ng 160-kilometer Clark to Olongapo City Stage 1.

“Gagawin ko ang la­hat para manalo uli. Pi­naghandaan namin ng team ko ang Le Tour,” pahayag ng tubong Asi­ngan, Pangasinan na si  Ra­vina ng continental team na 7-Eleven Road Bike Phi­lippines kung sa­an kasama niya si  two-time local Tour champion Mark Galedo.

Palaban din si Barnachea ng Philippine Navy-Standard Insurance, isa ring two-time winner ng local Tour.

“Handa na kami at ibi­­bigay namin ang lahat pa­ra talunin ang mga fo­reigners,” ani Barnachea.

Kabuuang 15-teams, 13-foreign at 2 local squads ang maglalaban-la­­ban sa karerang  ito na  suportado ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron, Victory Li­­ner at M. Lhuillier na bi­nubuo ng tig-5 riders.

Siyam sa foreign teams ay mga Cycling Union continental (pro­fes­­sional) squads na Aisan Racing Team at Team Uyko ng Japan, KSPO Cycling Team ng Ko­rea, PT Pegasus Cycling Team ng Indonesia, Terengga­nu Cycling Team ng Malaysia, CCN Cycling Team ng Brunei, OCBC Cycling Team ng Singapore, Polygon Sweet Nice ng Ireland at Tabriz Shahrdari Ranking ng Iran bukod pa sa mga club teams naman ng Atilla Cycling Club ng Mongolia, Satalyst Giant Racing Team ng Australia at Track Team Astana ng Kazakhstan habang ang United Arab Emirates ay nagpadala ng kanilang national squad.

Si PhilCycling chairman Alberto Lina, kini­kilalang godfather ng Phi­lippine cycling, ang mag­­papakawala ng mga riders sa karera sa harap ng Ox­ford Hotel sa ganap na alas-8:30 ng umaga ng  karerang may akyatin sa Dinalupihan sa Bataan at sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authori­ty kasama ang kanyang asa­wang si Sylvia Lina, ka­sama si 2014 organizer at president ng presentor na Air21 na si Jerry Jara; Donna Lina Flavier, head ng co-organizer Ube Media; Clark Development Corp. chairman Atty. Arthur Tugade; at PhilCycling secretary General Atty. Billy Sumague.

Ang finish line ay sa ha­rap ng Olongapo Natio­nal High School.

Ang  Stage Two bukas ay 170-km   Olongapo Ci­ty to Cabanatuan City.

Ang Stage Three sa Miyerkules ay 146.6 kms Cabanatuan City to Ba­yombong, Nueva Vis­caya, samantalang ang Stage 4 na itinakda sa Hu­­­webes ay ang 134-km Stage Bayom­bong to Burnham Park sa Baguio Ci­ty.

 

AISAN RACING TEAM

CABANATUAN CITY

CYCLING

CYCLING TEAM

CYCLING UNION

LE TOUR

SHY

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with