Lady Tamaraws, Lady Eagles magtatangka sa quarters
MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng Far Eastern University at ng AteÂneo De Manila UniÂversity na kunin ang puÂwesto sa quarterfinal round sa pagbabalik ng mga laro ngaÂyon ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan City.
Susukatin ng Lady TaÂÂmaraws ang angas ng bagong koponan na Davao Lady Agilas sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng UAAP champion na Lady Eagles at ng St. Benilde Lady Blazers sa alas-4.
Ang Arellano Lady Chiefs (4-1) at Adamson Lady Falcons (3-1) sa Group A at nagdedepenÂsang kampeon National University Lady Bulldogs (4-0) sa Group B ang mga naÂkatiyak na ng puwesto sa susunod na yugto ng kompetisyon sa ligang inorÂganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
May 2-2 karta ang LaÂdy Tamaraws at ang maÂkukuhang ikatlong paÂnalo ay sapat na para maÂkaabante sa ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Ito naman ang unang salang sa kompetisyon ng Lady Agilas at tiyak na nais nilang buksan ang kampanya sa liga bitbit ang panalo.
Mahalaga ang makukuhang resulta dahil liÂmang sunod na laro ang kaÂnilang haharapin at kaiÂlangang makatatlong paÂnalo para magpatuloy ng laban sa torneo.
Sina Cherry Ann BalÂse, Mae Antipuesto, VeÂÂnus Flores at Princess Oliveros ang maÂÂnguÂnguÂna para sa Lady Agilas upang matapatan ang tiÂyak na inspiradong pagÂlalaro ng Lady Tams na piÂnabagsak sa huling laro ang NCAA champion na Perpetual Help Lady Altas.
Ipapakita naman ng UAAP titlist na Ateneo na walang epekto ang mahaÂbang bakasyon sa pag-asinta nila ng ikatlong panalo laban sa St. Benilde Lady Blazers.
Sina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro at Michelle Morente ang muÂling sasandalan sa LaÂdy Eagles para makatabla ang Adamson sa ikalawang puwesto.
Asahan naman na laÂlaÂban nang husto ang LaÂdy Blazers na hangad na itaas ang 1-1 karta.
- Latest