^

PM Sports

Power Pinoys pang-pito sa AMCVC

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Jeffrey Malabanan ang kalidad ng paglalaro nang siya ang tumayong bida sa 25-19, 26-24, 13-25, 21-25, 15-13 panalo ng PLDT TVolution Power Pinoys sa Al-Zahra Al-Mina ng Lebanon sa pag­tatapos ng Asian Men’s Club Volleyball Cham­pionship na handog ng PLDT Home Fibr kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ibinagsak ni Malabanan ang apat na sunod na puntos sa krusyal na tagpo sa fifth set para ibalik sa Power Pinoys ang momentum sa laro na tila hinawakan na ng Lebanon matapos bumangon mula sa 0-2 iskor.

Ang panalo ay tumapos sa tatlong dikit na kabiguan na nalasap sa Iraq (dalawang beses) at Al-Rayyan ng Qatar, para malagay sa ika-pitong puwesto ang Pi­lipinas sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation at may ayuda pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Makati Ma­yor Junjun Binay, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman lawyer Francis Tolentino.

“Nandun talaga ang fighting spirit namin. Pero si­mula ng third set, kinargahan nila (Lebanon) ang serve nila at na-rattle kami. Kahit ako may mga errors din ako, pero at least sa fifth set, nakabawi ako,” wika ni Malabanan na tumapos na may siyam na puntos.

Ang kanyang kill na nasundan ng natatangi niyang ace sa larong tumagal ng dalawang oras at pitong mi­nuto, ang nagbigay sa Pilipinas ng double-matchpoint, 14-12.

Nabawi ng Lebanon ang isang puntos pero pi­na­kawalan ni Alnakran Abdilla ang matinding kill na hin­di nakuha ni Adam Khoury upang magdiwang ang 3,500 na manonood.

Si Abdilla ay gumawa ng 25 puntos, mula sa 22 kills at tatlong blocks, habang si Australian spiker Cedric Legrand ay mayroong 12 puntos, tampok ang 10 kills.

Ang Aussie setter na si William Lewis ay may wa­long puntos at kalahati rito ay nanggaling sa blocks na di­no­mina ng host team, 14-11.

“This finish is beyond expectation. Sinabi ko sa ka­nila na nandito na tayo kaya gawin na natin ang da­pat gawin. Gusto namin good finish at the end at kahit paano ay mag-seventh man lang,” pahayag ni Power Pinoys head coach Francis Vicente.

Sina Jhonlenn Barreto at Arthur Al Zayek ay may tig-21 puntos para sa Lebanon na naglaro nang wala si spiker Bruno Furtado dahil nilalagnat.

Naapektuhan sa simula ang laro ng Lebanon, na­la­gay sa pang-walong puwesto, dahil sa pag-upo ni Bru­no pero nakapag-adjust sila sa third at fourth set upang magkaroon din ng pagkakataon na manalo sa laban. (ATan)

ADAM KHOURY

AL-ZAHRA AL-MINA

ALNAKRAN ABDILLA

ANG AUSSIE

ARTHUR AL ZAYEK

ASIAN MEN

BRUNO FURTADO

POWER PINOYS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with